TRENTANOVE

16.5K 436 33
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 39

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

DARK The Mafia Boss Chapter 39

"BAKIT ba ang tagal mo sa loob?"

Nilingon ko ang nagsalita na ngayon ay nakasmingot at nakapanabay ang dalawang braso sa dibdib. Obviously, ganoon parin ang ekspresyon sa mukha nito. Walang-wala.

Ngumuso lamang ako habang inilapag ang mga damit na sinukat sa loob ng fitting room, Wala naman akong nagustohan 'e.

"Aris, obvious ba na ang dami ng mga damit na kinuha niya, aabotin talaga yan ng siyam-siyam sa kakasukat ng mga iyan," pagtatanggol naman sa akin ni Kesha.

Nakapangiti ako sa pagtatanggol sa akin ni Kesha. Kaya nga magaan na ang loob ko sa dalawang ito. Kasi hindi nila ako tinuring na parang preso lang. Para ko na rin silang mga kaibigan katulad ng noong na kay kila Dark pa ako. Napabuga tuloy ako ng hangin, kamusta na kaya iyong tatlo iyon.

"Isang oras?" diin ni Aris. "One hour, Kesha! Ganoon siya katagal doon sa pesteng fitting room na iyon!" okay, hindi naman siya galut doon diba?

Si Kesha naman ay napakamot na lamang sa ulo nito at pagkuwan ay tumingin ito sa akin na para bang sumasang-ayon sa sinabi ni Aris. "Tama siya Miss Aileen, bakit ba ang tagal niyo sa loob!"

Wala sa sariling napakumot ako sa batok. Eh, kasalanan ko ba na ang dami ko pa lang nakuhang damit at hindi pa magkakasya sa akin kaya sapilitan ko itong isusuot tapos ihuhubad. Waaah! May masama ba doon?

"Pasensya na. Alam kong maganda ako pero sa dami ng mga damit na iyan sa tingin niyo ilang minuto ako magtatagal sa loob tapos hindi pa magkasya, duh." sabi ko na lamang at iniwan ang mga damit roon sa isang rack na puno ng mga damit.

Nakikita ko pa ang isang sales lady na ang sama ng tingin sa akin. Hmp!

Lumabas na ako sa department store at naglalakad habang tumitingin sa paligid at inaaliw ang sarili sa mga stalls at boutique sa paligid.

Naramdaman ko namang nakasunod na sa akin sina Kesha at Aris mula sa likod. Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Dahil linggo ngayon ay maraming mga tao rito. Mga magbabarkada man o pamilya.

Napahinto ako sa paglalakad habang sinusundan ng tingin ang magpamilyang naglalakad sa aking harapan at ang paglagpas nito sa akin. Nakakainggit. Bumuga ako ng malakas at nagsimulang maglakad ulit.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang makarinig ng ingay mula sa isang telepono sa aking likuran na ikinatigil ko naman at nilingon ito. Nakita ko si Aris na may sa telepono na ngayon ay nasa tenga na.

At sino naman kaya ito? Nakatitig lang ako kay Aris habang ang huli ay nakikinig sa kung sino ang kausap sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko ng ang walang ekspresyon nitong mukha ay unti-unting lumalaki ang mga mata habang nakaawang ang mga labi.

Sumulyap siya kay Kesha na nakatitig lamang sa kanya pagkatapos ay tinapunan na rin ako ng tingin nito. "What?!" bulalas nito. Ngayon ay naging matigas na ang mukha nito at mas naging alerto ang mga mata sa paligid.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz