QUARANTATRE

16.9K 365 8
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 43

"I SAID, STOP IT!" sigaw niya at marahas na hinawakan ang magkabila kong mga braso dahilan para mapahinto ako. Napatitig naman ako sa mga mata nitong nagpupuyos sa galit.

Kasabay rin 'nun ang marahas niyang pagbitaw sa aking mga kamay. Binalik at itinuon nito ang atensyon sa harap ng manibela. Bakas parin sa mukha nito ang galit at frustasyon.

Habang nakakuyom ang aking mga kamao ay nakatuon rin ang aking atensyon sa harap. Hinuhupa ang galit. Katulad rin ng aming nararamdaman ay galit rin ang panahon.

Kulog at kidlat. Sinamahan pa ng malakas na hangin at pagbuhos ng ulan sa labas. Ingay lamang ng buhos ng ulan ang namamagutan sa aming dalawa. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita.

Bakit pa, kahit na magsalita ako rito ay para pa rin ang baliw sa kakaputak ni ang kasama ko ay walang planong magsalita. Nasasayang lang ang laway ko sa kanya. Marahas akong napabuntong.

"Iuwi mo na ako," sa wakas ay salita ko. Kahit na bulong iyon ay sapat na para marinig niya. Kami lang naman ang dalawa rito kaya kahit na bulong iyon ay maririnig niya parin. Hindi naman siya bingi ano,

"What?" ay bingi nga!

"Sabi ko, iuwi mo na ako." nagtitimpi pa ako niyan ha.

"What?" tinapunan ko siya ng masamang tingin dahilan para makita ko ang nakangisi niyang mukha.

Kumunot naman ang noo ko. Pwede na ngang maging tulay ang mga kilay ko dahil feeling ko ay magkadugtong na ito. Trip na naman ba ng isang ito. Nakahihit ba siya ng baygon, ha? Dahil ilalaklak ko sa kanyang ang isang karton 'nun.

"Problema mo?!" kanina, dahil nakapagtimpi pa ako ay ngayon hindi na. Mas lumawak ang pagkangisi nito. Dahilan para mas naiinis pa ako sa gwa---panget nitong mukha.

Kulang na talaga ay mag-aalburoto ako na parang bulkan dahil nararamdaman ko na ang pamumula ng mga tenga ko.

"You said, 'iuuwi kita', are you sure?" nang mapagtanto ang sinabi ko ay agad nanlaki ang mga mata ko.

Ay, pusang mimiw! Napatampal naman ako sa sarili kong mukha. Aba't---nakakainis na ang isang ito, ha.

"Ang sabi ko, 'uuwi na ako' hindi yung 'iuuwi mo ako', ano ba ang pinagkaiba ng dalawang iyon?"

Bipolar lang ba talaga siya o baliw na talaga. Kanina lang ay galit ngayon naman ay parang asong baliw na  nakangisi ng wagas.

"they have a different meaning, the first one is 'uuwi ka sa bahay mo' and the second one is 'iuuwi kita sa bahay ko', so tell me the difference, hmm?"

May point siya. Pero, kahit na! Gumagawa lang siya ng dahilan na nakakabwisit.

Kung pwede lang talaga, kung pwede lang, ay kanina pa itong nakabulagta diyan, ba. Dahil sa masama kong pagtitig sa kanya ay baka at kanina pa ito nakahandusay na wala ng buhay.

Tamaan sana siya ng kidlat!

"What theㅡ where are you going, woman!?!" Hindi na talaga ako majapagtimpi ay lumabas na ako ng sasakyan.

Wala na akong pakealam kung malakas ang buhos ng ulan ang tumatama sa aking katawan. Dahil hindi ko na talaga matagalan na makasama siya sa iisang lugar at baka bumigay na lamang ako bigla dahil sa---

Napasinghap ako ng may mga braso ang humila sa akin dahilan upang mapaharap ako ngayon sa madilim nitong mukha. Napakalapit ng mukha nito sa akin. At hindi narin namin alintana ang basang-basa na naming katawan dahil sa malakas na ulan.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن