QUARANTOTTO

15.6K 319 38
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 48

HINDI KO mapigilan ang mapabuntong-hininga sa mga isiniwalat kong ka-tripan namin ni Dark sa aking harapan. Ngayon ay nasa harapan nila ako habang taimtim na nakikinig sa lahat ng salita na aking binibigkas. Ni pagkurap ay hindi nila magawa. Ito kasing katabi ko ay matapos sabihin na siya raw ang magsisiwalat, ayun, nakatanga lang at tahimik. Taimtim na nakikinig rin sa lahat na aking sinasabi.

Napanguso naman ako. Mukhang mahaba-habang kadyosahan ang kailangan kong ibigay sa kanila 'a. At mauubos ang lawag ko nito sa dami kong sasabihin.

Kasabay rin ng pagsiwalat ko ng katotohanan ay bumabalik sa memorya ko ang nangyare...

FLASHBACK
(Chapter 26)

NANG MAKAUWI kami galing sa pinasabog na magmamay-aring gusali ni Dark ay hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi lang sa sinabi ni Dark kundi sa huling minarating ng babae sa pinanuod naming cctv. Ano ba ang ibig-sabihin niya roon. At sino ang tinutukoy ng babaeng iyon.

Napatigil na naman ako ng maramdaman ko ulit iyon. Ang maramdamang may nakamasid. May mga matang nakatitig sa akin.

"What's the matter?" bigla ay tanong ni Dark na nakakunot ang noo.

Umiling ako, "wala." Sagot ko lamang.

Kakaiba lang kasi. Hindi naman ako ganito ka observant sa paligid. Siguro dahil na rin sa nangyari ay baka ganoon na lang ang reaksyon ko.

Umuna ng pumasok si Apollo, susunod na sana ako ng pigilan ako ni Dark sa mga kamay. Seryoso itong nakatitig sa akin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong rito.

Ang creepy niya ngayon 'a. Mas creepy pa sa taong nags-selfie sa iba't-ibang angle.

"Do you want a game, Wife?"

"Game?" Kunot-noong tanong ko.

Anong trip na naman kaya ang naisip ng isang ito?

Tumango ito, "You will like this game."

Pinansingkitan ko ito ng mga mata. "Siguraduhin mong magugustuhan ko ito ha," sasabayan ko ang katripan sa buhay nito at baka ako pa ang pagtripan.

Ngumisi ito na ikinataas ng balahibo ko sa katawan. Napaatras naman ako dahil sa paglapit mg mukha nito wa akin. "You will like this, that's for sure." Bulong nito.

Pinatitigan ko ito ng ilang segundo at unti-unting napapangiti.

Mukhang mai-enjoy ko ang larong ito.

Kapagkuwan ay hinila na lamang ako nito papuntang opisina niya. Nang makapasok, habang magkahawak ang aming mga kamay ay ini-lock nito ang pinto.

Nakamasid lamang ako sa ginagawa nito. Ang paglapit niya sa mesang laging inuupan niya.

Habang inaalis ang itim na kota nito ay hindi ko rin mapigilan na pantasyahan ang kanyang matitipunong katawan. Ang manaskels nitong braso na hapit na hapit pata rito. Na anumang sandali ay puputok na dahil sa sikip nito.

At alam ko sa likod ng puting damit niya nakatago roon ang eight pak na pak niyang abs. Gosh! Bakit ba nagkakaganito ako kapag si Dark ang kasama ko? Waaah. Nae-alien na naman ako. Iba kasi ang epektk sa akin ng baliw na ito.

"Do you like the view, wife, hmm?"

"Oo namanㅡ" nang mapagtanto ang sinagot ko ay agad nanlaki ang aking mga mata, "oy! Hindi ah!" kaagad na dugtong ko na ikinangisi lamang ng huli. Waaah!!

"Really?" napaatras naman ako nang dahan-dahan itong lumalapit sa akin.
Napalunok naman ako.

"My wife is being naughty?" ano ba ang pinagsasabi ng mongoloid na ito? Hindi kaya!

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora