VENTISETTE

21.3K 481 22
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 27

OH MY GHAD! Gusto kong maiyak dahil sa nakikita ko. Sa hindi naman ako matatakutin pero ngayon, gusto kong sumigaw dahil sa takot at panginginig.

Bakit ba kasi nandyan yan? Sa pagkakatanda ko wala yan diyan, e. Huhubels.

Nasa harap lang naman ito ng kama. Nakaharap sa akin. Sa may mini living room ito nakalagay. Feeling ko tuloy parang tinitigan niya ako. Ni pagkurap ay hindi ko ginawa at baka kung kumurap man lang ako isang segundo ay baka nasa tabi ko na ito. Waah! Naiiyak na tuloy ako.

Kinakabahan, bumaba ako sa kama ng dahan-dahan. Habang hawak ko parin ang bedsheet ng kama ay unti-unti ko itong nilapitan. Kailangan mong maging matapang Aileen. Kahit muntanga ka na sa ginagawa mo. Nilalapitan na nga, ang layu-layo mo pa naman. Siguro ay isang daang taon ka pa makakalapit.

E, paano kong gagalaw yan tapos sasapian ako. Nakakatakot yun. Sinamahan pa na madilim sa bahagi na iyon. Nandoon lang siya nakaupong nakatitig sa aking nakangisi.

Sino ba kasi ang naglagay niyan diyan. Ipapa-assassinate kk talaga at aabangan ko sa kanto nila.

Para kasi siyang si Annabelle. Oo si Annabelle dahil isa siyang manyika. Natatakot pa naman ako sa mga manyika. Nakakatakot kasi ang mga mukha nila para any minute ay bigla na lang akong susunggabin.

Ngayon, ay pinagpapawisan na talaga ako. Hindi lang kili-kili kundi isali pati singit.

Nasa gilid na ako ng couch, ibig sabihin nasa gilid na rin ako ni Annabelle. Annabelle na ngayon ang tawag ko sa kanya simula sa araw na ito ngayon.

Itinaas ko ang isa kong paa para maabot ko si Annabelle at ihulog ito sa couch. Pero agad ko itong ibinaba dahil sa takot. Kahit na paa ang gamitin ko 'e pati mga paa ko nanginginig na sa takot ko. Huhubels.

Wala naman kasing panungkit dito. Napanguso tuloy ako.

Dahan-dahan kong inangat ang isa kong paa upang maabot ang manika. Konti na lang maabot na kitang halimaw ka! Konti na laㅡ

"Oh my god!!"

"Aypokemo!"

Napatalon ako sa sobrang gulat dahil sa sumigaw at tinapunan ko ito ng tingin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para ito hihiwalay sa katawan ko dahil sa sobrang kaba ko.

Napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa bedsheet. Feeling ko ay malalaglag ito anytime. Geez.

Bakit ba kasi siya sumusulpot ng ganyan at sumisigaw ba talaga.

Napakunot ang noo dahil nakanganga lang itong nakatitig sa akin. At ang kasama naman nito ay parang wala lang pakealam sa paligid. At may lollipop pa ito sa bibig. As always.

"Oh...my...god...why are you naked under the sheeㅡ" napasinghap itong napatakip sa bibig at binalingan ang katabing nakatitig ng walang emosyong nakatitig sa akin. "Psyche! Do you know what the meaning of thiㅡ"

"They had sex," putol nito na ikinanganga ko at ikinasinghap ulit ni Talianna.

"Oh my, you so pranka, Psyche." Pagmamaktol nito at ikinanguso ng babae. "At inunahan mo pa ako. Kainis tuloy."

Ako, eto, nakanganga. Paano ba naman nakita nila ang likod ko na walang ni anong saplot sa katawan.

"Wala bang preno yang mouth mo Psyche?"

Bakit ba sila nandito?

"Why?"

Nandyan lang sila sa hamba ng pinto nakatayo at hindi ako pinapansin nakatayong nakatingin sa kanila.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now