TRENTASETTE

17.1K 351 14
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 37

NAPADAING ako sa sakit ng bigla-bigls na lamang akong marahas na ihinagis ako ng isa sa mga tauhan ni Vianno dahilan upang muntik na akong ngumudngod sa sahig. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero hindi na ako pinansin nito dahil agad na itong umalis sa silid na tinutuluyan ko.

Kanina, habang walang tigil ako sa kakaiyak sa nalaman ko ay bigla na lamang ako hinila nito at ibinalik rito. Pero ang kinaiinis ko lang ay sinara ang pagmo-moment ko kanina. Sarap sipain ni koya.

Kung may lakas lang ako ngayon dahil na drain na lahat dahil sa nalaman ko kanina ay malamang sa alamang tinabunutan ko na ang kalbong iyon. Akala mo kung sinong gwapo kalbo naman.

Padabog akong tunayo at pinagbagan ang dumi sa aking damit. Kapagkuwan ay masama kong tinitigan ang pinto kung saan lumabas ang kalbong iyon at marinig ang paglock nito mula sa labas, pagkatapos ay marahas akong lumapit rito at pinagsisipa ang pinto. Kung nagsasalita lang ito ay kanina pa ako minura nito ba.

Nakakainis lang kasi. Talagang nakakainis!

"Gago!" sigaw ko pa. At sinipa ulit ito ng huling beses.

Malakas naman akong napabuga ng hangin. Kinalma ang sarili at baka mai-stress pa ang dyosang taglay ko.

Napalingon naman ako sa malaking bintana dahil naririnig ko mula rito ang pagkabuhay ng isang sasakyan. Kaya, agad-agad akong lumapit rito at tinignan ang kung ano ang nasa labas.

Sa palagay ko ay nasa ikatlong palapag ako ng mansyon nito ayun na rin sa aking nakikita mula rito. Malaki ito at dalawang beses na mas malaki sa mansyon ni Dark.

Napasinghot ako ng maalala na naman ang nagmamay-ari ng pangalang iyon. Kamusta na kaya siya? Galit ba siya sa akin? Sa ginawa ng pamilya ko 'kuno' daw. Totoo ba talaga ang sinabi sa akin ni Vianno?

Maraming katanungan sa aking isip pero ni isang iyon ay hindi pa nasasagot.

Pumikit ako upang pigilan ag nagbabadyang tumulong luha sa aking mga mata at sa pagmulat  ay doon, ay nakikita ko mula rito ang paglabas ni Vianno sa kung saan.

Kung hindi ko lang ito kilala ay iisipin ko talagang isa lamang itong ordinaryong businessman pero iba ang nakikita ng mga mata ko. Isa itong baliw na lalaki. Gwapong baliw, ganern.

Oo, hindi ko nga ito kilala pero, alam ko, alam na alam ko na may kaya itong gawin na masama. Sa likod ng maamo nitong mukha ay kaya nitong kumitil ng buhay.

Napaatras naman ako dahil sa gulat ng bigla itong tumingala sa kinaruruonan ko. Napakunot naman ang noo ko. Feeling ko, parang nakita ko na ang eksenang ito. Hindi ko lamang matandaan kung kailan. Dejavu?

Ngumisi ito sa dereksyon ko at agad na tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan. Kasabay ng pag-alis nito ay ang pagbukas naman ng pintuan dahilan para mapalingon ako rito at iniluwa nito ang tatlong babaeng pamilyar sa akin.

Naalala ko tuloy sina Ana, Cole at Cose sa kanila kaso mga serious type version nga lang ang mga ito. At kulang nga lang sila ng dalawa.

Bagsak ang balikat na tinapunan ko sila ng tingin. Ano na naman ba ang kailangan nila sa akin?

"Kailangan mong sumama sa amin," kung hindi ako nagkakamali si Jenny itong nagsasalita.

Kumunot ang noo ko, "At bakit naman?"

"as your personal handmaiden, kami, ang nakatoka sa pang-araw-araw mong pangangailan sa pagkain man o sa damit," sabihin niyo lang na pinapabantayan niya lang ang bawat kilos ko.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin