CINQUANTOTTO

16.4K 336 21
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 58

WALA NAMAN akong pinapanalangin na bigyan ako ng isang taong mamahalin ako ng boung-buo na higit pa sa buhay niya. Wala naman akong ginawang magandang bagay para bigyan ako ng panginoon ng ganitong klaseng tao.

Ang bigyan ng taong mamahalin habang-buhay.

At ang taong iyon ay nasa harapan ko mismo. Ang mga itim nitong mga mata't nakakahipnotismong titigan ang nakakapanindig balahibo nitong titig na hindi ko pagsasawaan.

Boung buhay ko umikot lamang sa aking isipan kung paano mabuhay ng masaya kasama ang pamilya ko, kung paano sila ihaon na buhay, mapagkaibigan, makisalamuha sa ibang tao.

Ngunit ang bagay na ito ay bago sa aking listahan, ika nga 'expect the unexpected'.

Hindi ko man inaasahan ang bagay na ito ay tatanggapin at sasalubungin ko ito ng boung puso.

"I can do everything just for your happiness, Aileen." Doon tila mas minahal ko pa ng lubos ang lalaking tinitibok nitong aking puso.

Sa lahat ng hinayag nito ay hindi ito nagkamaling patibukin ng ganito kalakas ang puso ko. Na para bang lalabas na ito sa ribcage ko at magtatalon sa sobrang saya.

Nananatili akong nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko makuhang makapagsalita.

Pero sapat na ba ang mga luha ko na nag-uunahang tumulo para masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko?

Ang mga kamay nitong nasa aking beywang ang marahang hinawakan ang aking basang mukha.Habang pinupunasan niya ang mukha ko ay hindi ko mapigilan ang mapapikit sa napakasayang pakiramdam.

Sa wakas ay narinig ko mismo sa mga bibig nito ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig. Bahagya kong hinawakan ang kamay nito dahilan para matigil sa ginagawa. Ang kaninang nakapikit na mga mata ngayon ay nakatitig sa taong ito.

"Alam mo ba," simula ko habang nakahawak sa kamay nito na nasa aking pisngi. "Ang gusto ko lang naman sa buhay ay magkaroon ng taong mamahalin ng totoo, yung mamahalin ko siya at mamahalin rin niya ako pabalik. Ang magkaroon ng masaya at matiwasay na buhay." Tinitigan ko lamang siya nagsasalita.

"pero sobra-sobra ang ibinigay sa akin ng panginoon, whole package kung baga," napatawa naman si Dark sa sinabi ko, yung mapanlaglag panty-ng tawa. "over sa yaman, pogi at isama pa ang nagtatambukang eigth pack abs. Pero, hindi iyon ang mas nagustuhan ko lang sa'yo dahil minahal mo ako sa kung anu at sino ako.

Minahal kita dahil ikaw ang tinitibok nitong puso ko. Kahit ang ang sungit-sungit mo na para kang pinaglihi sa sama ng loob. Walang tanong sa bakit at dahilan. Minahal kita dahil ikaw ay ikaw. Ikaw si Jeremiah Dark Astro Martinez-Valentin ang taong minahal at mamahalin ko habang-buhay." Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang gusto kong sabihin ay sinakop niya ang aking labi ng boung pagmamahal.

Marahan at masuyo sa una ngunit ng itinagal ay naging agrisibo at mapaghanap. Sa kung saan-saan na rin napupunta ang mainit nitong mga kamay na mas ikinaungol ko.

Ako na mismo ang humiwalay mula sa mga halik nito ng kapusan na ako ng hininga ngunti ang huli hinabol pa ang mga labi ko upang halikan. Gamit ang mga kamay ay inilayo ko siya mula sa akin ng ilang dipa lang naman. Narinig ko pa itong bahagyang marahas na umungol bilang pag-angal dahilan para matawa ako ikinilos niya.

"Don't laugh at me, woman." patuloy lamang ako sa pagtawa hanggang sa mismo ay tumigil na agad ako dahil sa ang sama na ng titig sa akin, para na kasi akong kakainin. Pigil-pigil ko parin ang pagtawa ko.

"Bakit?" tanong ko nang nakatitig lamang siya sa akin.

"You love me," Hindi iyon tanong kundi tistamentong nagsasaad ng katotohanan niyang saad.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now