TRENTASEI

16.9K 378 26
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 36

PARANG nawawalan na ako ng pag-asa dahil ilang oras na ako kakalangpag sa pintuan at kakasigaw na humihingi ng ruling ngunit wala paring nakakarinig sa akin.

Sa hauling pagkakataon at malakas na sinipa ko ang pinto at napadausdos sa sobrang pagod.

Gusto kong maiyak dahil sa frustasyon at takot na aking nararamdaman.

Nasaan ba ako?

Saan ba nila ako dinala?

Kaninong lugar ito?

Nasaan si Dark?

Nasaan sila?

"D-dark..." napasinghot ako at unti-unting nararamdaman ang mga luhang lamina pa nagbabadyang pumatak.

Sana pala hindi ko iniwala ang dalawang iyong hindi sana ako mapupunta sa lugar na ito. 

Hindi ko alam kung ilang araw o oras ako nawawala pero sa pagkakaalam ko dyosa ako at hindi walking calendar at orasan.  Waaaah! Nasaan ba sila? 

Sa pagkakatanda ko ay kasama ko sina Talianna at Psyche na pumasyal at pagkatapos nun ay naiwala ko sila dahil wala silang sense of Direction kaya ayun ang nangyare ay nakita ko si Vianno at ang huli kong natatandaan ay, napasinghap ako.

Ano ba ang kailangan nila sa akin? Maganda lang ako pero wala akong pera. Bente pesos nga lang. Huhubels.

Agad akong napatayo ng marinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto. Pinalis ko batman ang mga luha ko sa pisngi.

Naghihintay, masama ko namang tinitigan ang pinto bago ito mabuksan at iniluwa nito ang isang babae na sa tansya ko ay isa itong tagapagsilbi ng malaking bahay na ito.

Pero parang hindi, kasi naman naka-all black suit ang babaeng ito at malinis na malinis ang nakatali ng buhok nito sa likod. Para ngang dinilaan ng sampung baka dahil ni isang hibla ng buhok nito ay hindi makatayo. Sa palagay ko ay naparalyze na ang buhok nito.

"Kailangan niyo na pong maghanda, binibini." napakunot ang noo ko.

Ano daw?

Bakit kailangan kong maghanda? May piyesta ba? Aba, kung ganoon pala ay, "ha?"

Nakayuko parin ito habang nagsasalita. "Si Ginoong Vivianno ay naghihintay na sa hapag at kayo na lamang hinihintay,"

Naningkit naman ang aking mga mata. Ang lalaking iyon ang dumukot sa akin.

Dahil sa inis ay hindi ako nagsalita. Ang kaninang takot na nararamdaman ay napalitan ngayon ng pagkainis. Ano ba talaga ang kailangan niya?

Natauhan naman ako ng nakatingin na pala ito sa akin. Lihim akong napasinghap at nanindig ang balahibo sa aking katawan. Ang pagkatitig nito ay napakalalim na ni kaluluwa ko ay nakikita na niya. Walang kahit na anong emosyon ang makikita ko sa mga singkit na mga mata nito.

Napahakbang naman ako paatras ng humakbang ito palapit sa akin. "B-bakit?" utal ko.

"Simulan niyo na," kumunot ang noo ko. At doon ko lang naintindihan ang sinasabi niya ng may apat na babae ang pumasok sa silid. Katulad niya ay papalapit ito sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mahawakan ako ng dalawang babae sa magkabila kong braso na para bang pinigilan ako sa kung ano man ang gagawin kong pagpumiglas.

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" sigaw ko at nagpupumilgas na dahil kinaladkad nila ako papasok sa isang pinto na hinuha ko ay isa itong banyo.

Kahit na malakas sila kesa sa akin ay nagpupumiglas parin ako.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now