DICIASSETTE

24.4K 525 4
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 17

HINALIKAN niya ako. Oo. Hinalika niya ako at apakalambot ng labing iyon. Samahan pa ng mamula-mula ito at mamasa-masa--- argh! Stapit na Aileen. Nahihibang ka na naman. Pero paulit-ulit na lang kasing nagr-reply sa utak ko ang pangyayaring iyon.

Mariin akong pumikit. Kagabi lang nangyare iyon kaya mag-move on ka na. Kaya nga diba, bago lang iyon at kagabi pa nangyari. Kaya sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari. Ang problema nga lang ay, Waaah!! Wala na. Wala na ang pers kiss ko. Huhubels.

Dahil nga sa naiilang ako ay lagi ko siyang iniiwasan. Kapag tangka niya akong kausapin o lapitan man lang ay agad akong umiiwas. Huhubels.

Ano bang nangyayari?

Sa ngayon, ay nakatulala lang ako sa bagay na nakapag-alala sa kanya. Gummy bears.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa gummy bears. Kunh bibilhan ko ba siya o hindi na.

Kasi nga, nandito ako ngayon sa supermarket. Sumama ako kina Anna, Cose at Cole sa pamimili maliban sa pagbabantay sa akin ay nakatuka din sila pamimili na kakailanganin ng mansyon. Dahil may iniiwasan ako diba? Pero heto ako ngayon, nakatitig na naman sa gummy bears. Ngumuso ako.

"Ahm, miss?" Nilingon ko si Anna.

"Bakit?" Nilingon niya ang mga kasamahan nito. May pag-aalinlangan sa mukha.

Bakit? Nakakakita ba sila ng artista? Kasi hindi ako interesado sa bagay na iyan. Ang pinoproblema ko ngayon ang hakbang kung paano makakaiwas sa lalaking iyon.

Gayunpaman ay nagsalita si Cose, "sampung minuto na po tayong nakatayo sa pwestong ito, miss,"

"point?" Mataray mode ang kagandahan ko ngayon kasi nga ninakawan ako ng pers kiss.

"at sampung minuto narin po kayong nakatitig diyan, miss." Binalik ko ang tingin sa gummy bears na tinuro ni Cole.

Sampung minuto na pala? Bakit hindi ko namalayan akala ko nga poreber na ako dito.

"May balak po ba kayong umalis dito?" Tanong ulit ni Anna.

Dumakot ako ng sampung piraso ng gummy bears at nilagay lang ito sa pushcarts. Actually, chos, mga sampung pushcarts ang dala-dala namin. At malalaki ito. Yung iba nga nasa mga kasama naming men in black. Kaya ang resulta? Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ganern.

Pagkatapos kong ilagay ang mga kinuha ko ay umalis na kami sa sweet section at binayaran ang mga pinamili namin.

Kami na lang ngayong apat ang natira dahil sa pinauna na nila Anna ang mga pinamili namin sa sasakyan. Kaso may nakasunod parin sa aming dalawa sa mga tauhan ni Dark. Kainis nga kasi pinagtitinginan parin kami ng mga tao. Iba na talaga pagmaganda ka. Lagi na lang napapansin.

Habang naglalakad ay puro tsismis lang ang ginagawa ng tatlo. Kesyo, nabuntis daw si pepsi kasi puro pempem ang ibunubuka. Natatawa nga ako kasi isa pala yun sa mga kasamahan nila sa mansyon. Tapos isa rin sa mga tauhan ni Dark ang nakabuntis.

Pakealam ko ba sa kanila. Dapat itong kagandahan ko lang ang lagi kong pinoproblema.

Habang naglalakad ay palinga-linga ako. Aba, malay ko ba at baka may makabangga na naman akong afam dito. Alam niyo na, fafabel, yung parang si kuyang silver eyes. Baka hindi ko na siya makita dito. Mga katulad pa naman niya ang hindi mahilig sa ganito. Pero malay mo nandito siya at magpakita sa isang dyosa.

Atsaka, yung binili kong gummy bears ay para talaga yun sa akin 'no. Kunuha nga ako ng isang plastic para may mapapak ako habang naglalakad dito sa mall at nagtira ako ng siyam para sa ka--- akin.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now