TRENTADUE

18.3K 456 48
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 32

SA BUONG okasyon ay nakabusangot lamang ako. Nakaka-beastmode lang kasi. Panghinalaan ba naman daw akong juntis. Bakit, masama bang lumafang ng ganoon karami? Buntis agad-agad?

Alam ko namang may 'nangyare' sa amin ni Dark pero, ay, tsk, kasi naman. Pwede naman siguro na galit-galit ako pag may time kapag kumakain ako no?

At ito namang katabi ko ay kanina pa nakangisi. Sinakyan pa ang pang-iinis sa akin. Sarap lang bangasin ang pagmumukha sa sobrang inis ko.

Dahil naiinis ako at padabog akong tumayo dahilan para bumaling ang atensyon nila sa dyosang gaya ko.

"Where are you going?" Wala paring emosyon na tanong ni Dark pero ang damuho nakangisi parin.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Kakain!" Naiinis kong sagot sa kanya. "Kakain ako kasi nga buntia ako diba? Kaya kakain ako ng madami hanggang sa lumubo ang tiyan ko at maimpatso sa laki!" Dagdag ko pa at walk-out queen ang drama.

"You so mean talaga guys," narinig ko pang sabi ni Talianna sa mga kasama nito.

Tsk.

Hanggang sa makalapit ako sa buffet table ay gaya ng kanina ay galit-galit muna ako sa pagkuha ng pagkaing makakain ako dahil naii-stress ang ganda ko sa kanila. Pramis.

Napalingon ako sa gilid ko ng mapansin ko ang isang bulto ng tao. Napaangat ang ulo dahil sa tangkad nito at napakunot. Napakurap-kurap ako dahil sa gulat dahil kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

Ang mala-pilak nitong mga mata ay nakaka-intimida para bang hinahalukay ang sarili kong kaluluwa.

Napalunok naman ako upang mawala ang kaba sa dibdib ko.

"A-ahm...h-hi?" Alinlangan kong bati sa kanya.

Napansin ko naman na may hawak-hawak itong glass wine sa kanang kamay nito.

"You're alone," nakatitig parin ito sa akin at nakakatakot talaga siya kung makatitig 'e. Huhubels. Tapos ang seryoso pa kung makatingin nito. "Where is your husband?" Ako lang ba o may diin sa mga salita nito.

Hindi rin nakalagpas sa akin ang pagdilim ng mukha nito at pag-igting ng panga nito pero ngumiti parin ito.

Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko ang kasalukuyang inoupuan ni Dark na hindi parin na papansin ang paglapit sa akin ni Vianno. 

Agad ko namang nilingon si Vianno sa harapan ko. Muntik pa akong mapasinghap dahil sa napakalapit ng mukha nito aa mukha ko dahilan upang mapaatras ako ng bahagya.

Nakakatakot talaga siya.

Kasabay naman nun ang isang napakalamyos ay pamilyar na tugtugin sa buong paligid.

Ngumiti ako sa kanya na halos makita na ang buong gilagid ko. "Vianno, balik na ako---"

"May I have dance?" Putol nito sa sasabihin ko sana. Nilapag naman niya ang kopita niya sa lamesa at sinunod ang akin.

Napasunod na lamang ako sa ginawa hanggang sa mailapag na rin niya ang plato kong galit na galit dahil halos mapuno na iyon.

Nilahad nito ang palad sa harapan ko. Napaangat ulit ang tingin ko sa kanya. Naghihintay ito sa akin na tanggapin ko ang alok niya.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit ako ang niyaya nitong sumayaw imbes sa kamasa niyang pinaglihi sa ampalaya na ang bitter kung makatitig sa ka-dyosahan ko.

"If you're thinking about Khaterryn, she's with..." nilingon naman niya ang likuran ko dahilan para mapasunod rin ako rito at nakita ang babaeng kasama nito na may kasayaw ng isang lalaking naka-eyesglasses subalit hindi hadlang rito ang kakisigan nito. "...Heather," kapagkuwan ay nagkibit-balikay ito ng ibinalik ko sa kanya ang atensyon ko.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now