TRENTATRE

18.8K 444 37
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 33

LAGLAG ang panga ko sa nakikita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAGLAG ang panga ko sa nakikita. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng lalaking umiyak. At imposible pa dahil ang lalaking ito ay si Dark.

Hindi lang talaga ako makapaniwala. Para akong nanaginip ng imposible na naging posible.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Tinatantya ang pangyayaring ito. Parang gusto kong kurutin ang sarili at magising sa kahibangan.

"Shit!" Daing nito, dahil sa kurot ko sa kanya na naging dahilan para mahinto ito sa pag-eemot niya. Sinamaan naman ako ng tingin nito.

Nakow! Alangan naman na kurutin mo ang sarili ko. No. Dahil isa akong dyosa hinding-hindi mangyayare ang bagay na iyon.

Kinurot ko ulit siya na sapagkakataong ito ay ang dalawang pisngi naman. "Fvck!" Tinampal naman niya ang kamay ko. "Stop it!" Singhal nito at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. "You know what?" Kumunot naman ang noo ko. "you ruined the moment. I am confessing what I am feeling and you, you ruined it. Damn it!"

Lumabi ako. Galit na siya. Waaaa! Bakit ba? Hindi ko naman alam na nag-confess kuno daw siya no'.

Napayuko ako at nilalaro ang aking mga daliri. "S-sorry," waaa! Bakit ba ako nagso-sorry? Wala naman akong ginawang masa---

"And I didn't forget what that assh-le did to you..." kapwang nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa lamig ng pananalita nito.

Oo. Sanay ako sa malalig niyang ekspresyon pero hindi gaya ngayon ay kakaiba. Mas may halong galit ito, isang galaw lamang ay sasabog na ito.

Narinig ko itong bumuntong-hininga. Walang kahit na anong ingay ang maririnig sa pagitan namin.

Naninibago nga ako kasi, hindi ako sanay masyado sa tahimik pero ngayon ay pipiliin ko pa ang tumahimik na lamang. Dahil nakakatakot siya magalit. Para pa naman siyang si Vigieta kung magalit. Parati nakakunot ang noo at pasan ang problema ng ekonomiya ng Pilipinas.

Pasimple akong sumulyap sa kanya at muntik pa akong mapasinghap ng natitig pala ito sa akin. Mabilis ko namang iniwas ang tingin dito. At sa tingin ko ay namumula ng konti amg pisngi ko.

Kumunot ang noo ko ng pamansin ang kung ano ang sa labas. Nasa isa kaming liblib na lugar na hindi ko alam sa kung saan na kami. Nagtataasang mga damo o talahib sa paligid. May mangilan-ngilang poste ng ilaw pero sa nakikita ko ay isa o dalawa lamang ito pero yung isa ilaw sa di kalayuan ay nagpapatay-sindi.

Nanindig tuloy ang balahibo ko. Paano kong may lalabas na killer diyan? Or worse ay si Jayson the killer?! Waaaa! Ang imagination ko na naman kung saan-saan tumatakbo.

Agad akong napabaling ng tingin kay Dark ng tumikhim ito. Nakatitig ito sa aking mga mata ng mariin.

Kahit nakaka-awkward ay nakatitig rin ako sa mga mata niya.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now