DICCIANNOVE

23.8K 543 12
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 19

KAHIT NAKAUPO ay laglag panga parin ako. Hindi ako pakapaniwala na may anak siya. Anak! Wala nga sa makapal na mukha nito na may anak siya. Napaka-imposible talaga. Kung ganoon, madrasta ang labas ko nito. Sa ganda kong ito? Magiging madrasta lang? Juicecolord!

Magiging cute muna ako bago mangyare ang bagay na iyon. Huhubels.

Ito na nga ang katibayan ko sa harapan mismo nakaupo. Nakatitig sa akin ang dalawang pares na mga mata. Walang emosyon. Grabe talaga pati ba naman ekspresyon sa mukha magkasinghatulad.

Sa tansya ko, nasa mga apat na taong gulang pa ang batang ito. Mala-tsokolate ang mga mata. Bilugang mukha, mapula-pula ang pisngi nito at makakapal ang mga kilay na bumagay sa mala-tsokolate nitong mata. Bata pa lang ay ang tangos na ng ilong nito. Medyo may kaputian rin ang isang ito. May features din sila na magkahawig. Pero yung iba hindi na.

Sumingkit ang mga tama kong inoobserba ang dalawa. "Pwede paki-explain?" Kinumpas ko pa ang hintuturo ko sa kanilang dalawa.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ng aking magagandang mata. Hindi naman sila masyadong magkamuhka. Tinawag lang naman siyang papa ng bata. Aiisst! Bakit ba ako nagkakaganito?

Bakit ba ang problema-problemado ko sa ganito?

Nagkatinginan naman ang dalawa. Pero wala naman akong nakuhang sagot mula sa mga baliw na ito. Marahan akong napatampal sa mukha.

"Ay, buang na ni," bulong ko. [naloko na,]

Naagaw ang atensyon ko ng tumikhim si Dark. Pinatitigan ko siya na mariing nakatitig sa akin. "He is not my son." Mariing sabi nito. Napakaseryoso parin ng mukha nito.

Napataas ang kanang kilay ko. "Weh? Di nga?"

Marahas siyang napabuga ng hangin, "hindi ko siya anak."

"Tinagalog mo lang," baliw din ang isang ito 'e no'?

"Aiissh!" Frustrated niyang ginugulo ang buhok niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkakaganyan. Pfft, para siyang batang nahuling nagnakaw. Tudo tanggi. Matalim naman niyang tinitgan ang katabi na parang wala lang sa bata ang titig nito. "Apollo, can you tell her that you are not my son?" Malamig ang pagkakasabi niya pero halata naman sa boses nito na nagpipigil lang ito ng inis.

Nilingon naman siya ng batang si Apollo pareho lang sila ng ekspresyon sa mukha. Napangiwi ako. Ahm, oㅡkay.

"Why would I, papa. She is my mama now, right?" walang emosyon ang mga salita nito katulad ng katabi niya. "and ofcoarse, Aunt Ofelia said to me that I will be staying here..." ngumisi ito. "...for good."

"What the fvck!?" Binato ko ng maliit na unan si Dark dahil sa pagsigaw nito.  Maka-mura kasi parang hindi bata ang kausap. Sinamaan naman ako ng tingin nito ng sa mukha ito tumama. "What?!"

Tapos ako na naman ang sisigawan niya? Kahit nakakatakot ang hitsura niya na pwede ng ikumpara sa angry birds ay hindi pa rin ang natitinag. Kahit ganito ako kaganda may pag-aalala parin ako kay Apollo kahit na kung magsalita ay para ng matanda.

"tsk!" Iniripan ako ng huli at napahalukipkip at nakadekwatro.

Ano bang gagawin namin dito? Magtitigan hanggang sa may blessing na dumating?

"Oy! Apollo my gwapong pamangkin is here!"

Dumating ang kambal na si West at East. Ganoon pa rin ang mga hitsura nila maliban na lang sa magkaiba nilang buhok. Nasa unahan si West na sinundan naman ni East na may ngiti sa labi habang ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang bulsa.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon