VENTITRE

22.1K 504 42
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 23

PARA AKONG paslit na sa kauna-unahang pagkakataong pinayagan ako ng mga magulang kong lumabas ng bahay. Para akong asong walang humpay ang paggalaw ng buntot dahil sa tuwang nararamdaman.


Dinaig ko pa si Apollo na hawak-hawak ngayon ni Dark sa mga kamay. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko ng makapasok ako sa entrance ng park.

"Waaah!!" Napapalakpak pa ako kasabay ang marahang paglundag-lundag dahil sa sobrang excitement. At wala akong pakealam kung patitinginan man ako ng mga tao rito. Basta, masaya ako. Iiih.

Nilingon ko ang dalawang nahuhuli. "Oy, dalian niyo naman!" Ningitian ako ni Apollo at bumitaw kay Dark at lumapit ito sa akin.

"I'm so excited," komento nito na ang lawak rin ng ngiti.

At ang kyot-kyot ng batang ito. Nakasout kasi ito ng kulay blue na jamper at white and blue stripes naman ang sa loob nito. Binagayan pa ng kulay brown rin na sombrero na nakatakip sa kulot nitong buhok at cute na sapatos.

At nasabi ko bang pareho kami ng sout? Kung hindi, oo, naka-jamper short rin ako na hindi aabot hanggang tuhod, kulay pink ito at pale pink stipes naman ang nasa loob kong t-shirt at naka-rubber shoes din ako ng kulay pale pink at naka-pigtail ang buhok ko. Para kaming magkapatid. Hihi.

"Ako rin! Ako rin!" Pumalakpak ulit ako.

Binalingan ko ng tingin si Dark na ngayon ay nakabusangot ang mukha. Hindi rin naman nagpatalo ang isang ito. Kahit simple lang ang sout nito ay head turner parin ang isang ito. Kulay maroon ang pang-itaas nito at pinaresan ng kulay abong cargo shorts nito at timberland boat shoes. Hapit na hapit pa naman ang t-short nito sa katawan dahilan para makita ko ang matitipunong katawan nito. Waah, pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao rito. Pout.

Nakasimangot lang ang mukha nitong lumapit sa amin. Paano ba naman nagagalit ito sa sout ko. Wala namang masama rito e'. Ang cute nga. Bagay sa magandang tulad ko.

Pababa na ako ng hagdan ng matigil ako sa isang baritunong boses mula sa ibaba. Nasa ikatlong baitang pa lang ako ng marinig ko iyon.

"What are you wearing, woman?"

Nilingon ko siyang nakakunot ang noo ko. At nilipat ang paningin sa kabouan ko at nilingon ulit siya.

Bulag ba ang isang ito, hindi ba niya nakikita kung ano ang sout ko? Tsk. Tsk. Tsk.

"Bakit wala namang masama rito 'a," kunot-noo ko siyang tinitigan.

Mariin ang titig nito sa akin habang pababa ako sa hagdan at lumapit sa kanya na may ngiti sa mga labi.

"Alis na tayo, dali." Hinila-hila ko siya pero para lang siyang pader na hindi magalaw-galaw. Napanguso tuloy ako.

Napansin kong kasama pala nito ang iba pa na nakatitig lang sa amin ngayon. Nakaupo na pala si Apollo siguro ay ako na lang ang hinihintay. Pero napansin kong pareho kami ng sout na damit. Kyaah.

Ang kyot.

"Change," Napalungon ulit ako kay Dark na ang sama na naman ng titig sa akin hindi pala sa sout ko.

"Ano bang masama sa sout ko? Wala naman diba?" pagmamatigas ko.

"That's the thing, Aileen." Napakaflat ng tuno ng boses nito. "That's too short. Hinayaan na kitang isout ang damit kanina, but, now, I don't allowed you to wear that again." Huhubels, galit na siya sa akin.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon