TREDICI

27.8K 555 20
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 13

NAPANGUSO ako. Sa hindi naman ako nagtatampo na hindi niya ako pinapansin pero para kasing may pinanghuhugutan talaga ang pagii-snob sa akin. Yung hogowt na nagmumula sa bulonbulunan. Akala mo naman kung sinong gwapo. Hot lang siya pati ang ang abs niya pero hindi siya gwapo, hot nga lang siya.

Hindi ako nagtatampo, nainsulto nga lang. Kasi, itong ganda kong ito? Ini-snob? Duh? Mga insecure lang ang mga gumagawa 'nun. Maliban na nga lang kung insecure nga talaga siya sa ganda ko.

Atsaka, oo nga pala, napakasinungaling din niya. Akala ko pa naman nandito si Gong yoo. Pero paasa siya. Itlog niya kulay put kasi paasa siya! Kuuuh...

Pero, seryoso na, hindi niya talaga ako pinapansin. Hayun nga siya oh, kausap si Kidd mybebelabs. At ako naman nganga ditong nakaupo sa may dulo. At feel ko nga mabubusog na ako sa hangin na humahampas sa mukha ko. Ang lakas pa naman ng hampas nito sa akin. Kasi nga umaandar itong sinasakyan namin.

Nasa in the middle of nowhere kami ngayon, sakay ang napakalaki niyang yacht. Oo. Yate. At nasa gitna kami ng dagat. Yung nakita ko noong isang araw. Napakalaki nga nito. Akala ko kasi maliit lang 'nung nakita ko sa malayo. Tama nga yung kasabihan na to believe is what you see. Tama ba ako? Ay, naku. Tama na nga yan.

Ewan ko ba kung saan kami pupunta ngayon. Siguro mag-a-island hopping kami ngayon. Yey!

Pero narinig ko kasi kina Talianna na may kukunin lang daw kami sa isang napakalaking barko. At babawiin kung anu ang amin. Ewan ko ba kung anu ang trip nila sa buhay.

Tsk, nakakainis na ha. Dalawang araw niyang ini-snob ang kagandahan ko.

Napalingon naman ako sa katabi kong upuan nang maramdamang may umupo dito. Si West at East ito na ang lalapad ng mga ngisi.

Pinasingkitan ko sila ng mata, "bakit?" Usisa ko.

"Nag-away kayo 'no?" Si West iyon.

Sa napapansin ko pwede ng maging reporter ang isang ito. Ang dali kasing makasagap ng tsismis.

"Bakit? Ano ba ang dahilan?" East naman. Tama nga. Magkambal talaga ang dalawang ito, walang duda. Magkamukha na nga. Pareho pang tsismoso.

"Hindi 'no," napahalukipkip ako at napaayos ng upo. "Iniinsulto nga ako ng isang ito 'e. Kamu, hindi pinapansin ang kagandahang taglay ko." Sabi ko ng nakatingin pa rin kay Dark na kausap parin si bebelabs.

"Aah...alam ko na ang dahilan," napalingon ako kay East na tumatango-tango pa kasabay kay West.

At naki-osyoso narin si ang dalawa. Si Jaycob at Darrfyl. Mga tsismoso rin ang mga ito. May tinatago 'ring hidden talent.

"Ano ba yan?" Tanong ni Jaycob.

"Oo nga, pasali!" Gatol naman ni Darrfyl.

"Mga tsismoso rin kayo 'no?" Pinandilatan sila ni West ng mata.

"Nagsalita ang hindi tsismoso," si Darrfyl.

"Hindi ako tsismoso, itong si East ang tsismoso gagu!"

"Mas gagu ka! Ikaw ang pinaka-tsismoso sa ating dalawa, gwapo lang ako pero hindi ako tsismoso!"

"Yeah, yeah, whatever you say..." tinapon nito ang tingin sa akin. "Ano nga?"

"Ganito kasi yun, hindi daw siya pinapansin ni Dark kaya nainsulto ang kagandahang taglay niya kaya ayun," pagpapaliwanag naman ni East.

Pinatitigan siya ng tatlong kalalakihan. "Hindi daw tsismoso, pero alam ang dahilan..." usal ni Jaycob na binatukan naman ng huli. "Sakit 'nun ha!" Sabi pa nito habang hinihimas ang ulo.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora