Capitolo Speciale

18.4K 331 33
                                    

Apollo Valentin Special Chapter

IPINARADA ni Apollo ang kanyang itim na Bugatti La Voiture Noire sa parking lot ng isang sikat na bar sa bansa na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya. Pagkababa ay rinig na rinig na niya ang ingay mula sa loob nito. Ang iba't-ibang kulay na nagmumula sa mga ilaw ay nakikita na niya mula sa labas pa pa lamang.

Every weekends ay nandito siya pagkatapos ng kanyang stressful na trabaho, to chill out. He needs to chill his brain from no ending signing and reading paper fvcking works.

For a young age as he is, a twenty-nine year old is now a multi-billionaire bachelor in town. Every woman's dying for. Extra package na rin siguro ang good looks niya. Katulad din ng Papà niya ay namana din nito ang matinik sa larangan ng negosyo kung saan namana niya ang ibang ari-arian ng mga ito. At mas ipinalago pa niya ito in just two years.

Agad naman nahagip ng kanyang mga mata ang isa sa mga kambal. Si Zeus, nasa bibig nito ang isang yosi habang naghihintay sa kanya. Nakasandal sa isang pader at malalim ang iniisip.

Malalim siyang napabuga ng hangin at nilapitan ito.

Inagaw niya kay Zeus ang yosi na dapat ay ilalapat na naman sa bibig at itinapon sa tabi at inapakan. "Fvck!" rinig niyang mura ng kapatid. Wala naman siyang pakealam kung magmura pa ito sa dahil sa ginawa niya.

"Mamà will not like this if she finds out, Zeus." malamig ang boses na paalala at masama ang tingin niya rito.

"Tsk, Mamà is not here." giit pa nito sa malalim na boses.

Napailing siya, "But still, Zeus. Mamà will know, she has a nose like a bomb sniffing dog so, don't try whatever you do like this things again." he smirk. "or Mom will pingot you on your singit, again."

Zeus groaned. Napahilamos sa mukha nito. "Fvck, that a shame! Don't remind me that again, kuya." gusto niyang matawa pero pinigilan lamang niya sa pamamagitan ng malamig na ekspresyong mukha.

Nagkibit ng balikat lamang siya at umuna ng pumasok. "Is everyone's here?" tanong niya. Habang naglalakad at nasa magkabilang mga bulsa ang kamay nito.

"yep!" inakbayan naman siya ni Zeus. "ikaw na lang ang hinihintay." anito.

Habang naglalakad ay hindi mapiligilan ng mga tao sa paligid na matigilan mula sa kanilang ginagawa at titigan sila na may paghanga at respeto sa mga mata. Kilala na sila ng mga tao rito sa club o ang tinatawag na club metrolux. Simula ng manahin ito ni Markux mula sa ama nito ay mas naging sikat at kilala ang club na ito sa loob lang ng ilang taon.

Nang makita ang mga taong naghihintay sa isang malaking leather couch na para lamang sa kanila ay agad napalingon ang mga ito sa kanya. Mas naging malawak ang mga ngiti nito sa mga labi. Higit sa sampu niyang mga baliw na kalalakihan ang nakatitig ngayon sa kanila ni Zeus.

"Hey bud! Long time no see!" bati sa kanya ni Manuelo ang anak ng kanyang ninong na si Emmanuel Teagan. Nakaakbay na ito sa kanya habang may hawak na alak sa kanang kamay.

"Kakakita lang na'tin kanina," He said with no emotion in his baritone voice.

"to' naman naglalambing lang naman eh."

"Wag ka ng magtaka sa isang iyan," singit naman ni Hades ang isa sa kambal. Nakaupo ito at nakangising nakatingala sa kanila. "tinaguriang Jack Frost yan noong high school pa lang tayo kaya kinarir na hanggang ngayon." sabay tunga ng inumin. "Hey, kuya." kapagkuwan ay bati nito sa kanya.

Napapailing na lamang siya at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Hindi na siya nakisawsaw sa mga maiingay na ito at tahimik lamang siyang nakaupo. Ino-obserbahan ang boung paligid.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now