VENTIQUATTRO

22.1K 482 27
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 24

PAGKATAPOS namin sa jellyfish exhibit na hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko ang password niya. Atsaka, bakit nalang ganito kung magreact si puso ko kanina? Huhubels.

Kailangan ko na nga talagang magpa-check up. Ang lakas kasi ng kabog nito kanina.

Napatulala ako sa naiisip ko. Wag mong sabihin na may crush na ako kay Dark? Waah. Nakakabaliw na ito!

"Hey, are you okay?" Napapitlag ako dahil sa gulat. Nilingon ko siya na nanlaki ang mga mata. Hindi lang dahil doon dahil sa ang lakas na naman ng pagkabog ng dibdib ko.

Maygash! Kras ko na nga talaga ang lalakeng ito.

Mas lumakas pa ang tibok nito ng hipuin niya ang noo ko. "Wala ka namang sakit, ba't ka namumula?"

Inilapit pa nito ang mukha dahilan para mapahakbang ako ng isang beses. Waaah! Hindi naman ako ganito kay bebelabs Kidd, 'e. Pero bakit sa kanya parang mawawalan na ako ng hangin dahil sa ang bilis ng tibok ng puso ko. Huhubels.

"Are you sure, you're okay?" May pag-aalala sa mukha at boses nito.

Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili. Napapikit pa ako ng mariin. Relaks ka lang diyan puso.

Pasimple kong hinawi ang kamay nitong nasa noo ko pa. "Ahm, o-oo naman. Bakit naman hindi." Waah, nautal ka pa, Aileen.

Bumuga siya ng hangin at tinitigan ako ng mariin. Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa mariing titig nito. At mahabang katahimikan.

"Mama, where are we going now?" Basag ni Apollo. Hawak-hawak parin nito ang kamay kong nakatingala sa akin. Tinitigan ko naman si Dark.

Bakit ba, 'e sa wala akong alam dito.

"Dancing fountain," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?" Tanong ko. Dancing Fountain?

Wag mong sabihing...nanlaki ang mga mata ko. Kyaah! Umangat naman ang dulo ng labi ni Dark dahil sa reaksyon ko.

Walang alinlangan ko siyang hinawakan sa kamay. "Dali!" Excited kong ani rito.

Tinitigan naman ako nito, "okay," Imbes na paglalakarin si Apollo ay binuhat niya ito.

Napansin niya siguro na napapagod na ito sa paglalakad. "Come on, kiddo."

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Ang cute nilang pagmasdan, para talagang mag-ama.

Gulat naman akong napatingin sa kamay ni Dark na nakahawak ngayon sa kanan. Habang akay si Apollo sa kanan ay hawak naman niya ang kamay ko sa kaliwa niya.

Palihim akong napangiti. Wala naman sigurong masama na magka-crush sa kanya diba? Lalo pa at asawa ko siya. Hihi.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang sarili na mailang dahil sa titig ng mga tao sa amin. Ang iba naman ay napapangiti at ang iba ang parang naiinggit.

"Ang cute nilang mag-pamilya..."

"Ang pogi ni kuya,"

"Ang cute din ni baby..."

"Swerte ni ate,"

Yan lang naman ang mga naririnig ko sa ibang mga tao na nalalagpasan namin. Yung iba naman ay parang kinikilig. Ha-ha-ha! Akin lang itong lalakeng nasa tabi ko 'no.

Nang makarating kami ay pansin kong papalubog na ang araw. Maganda ito dahil mas makikita ko pa ang iba't-ibang kulay ng dancing fountain. Excited na talaga ako.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt