Chapter 1 Morning Fight

2.6K 59 8
                                    

BEAUTIFUL LIARS SERIES # 7

WINNING YOUR HEART

Chapter 1 Morning Fight

***ROWIE POV***

NAIMULAT ko nang hindi oras ang aking mga mata. May bagay akong napanaginipan, isang pangyayari sa buhay ko na nais kong ibaon sa limot. Buot pait akong napangiti. How can I forget everything if it's me who imprison myself into it.

Pahinamad na inangat ko ang isa kong kamay, sabay patong niyon sa noo ko at muli na namang pumikit. Nais kong ibahin ang mga pangyayari. Iyong tipong walang kasalan na naganap sa pagitan namin ng lalaking nanakit sa puso ko.

Natigil ako sa kaka-edit ng panaginip ko dahil may naramdaman akong kung ano na bumagsak sa tiyan ko. Natitiyak ko na hindi ito bomba. Baka masahol pa siguro doon.

Takang iminulat kong muli ang mga mata, sabay tingin sa kinaroroonan ng tiyan ko. Ang pagtatakang bumalot sa buong pagkatao ko ay napalitan ng labis na pagkagulat.

Nanlaki ng husto ang mga mata ko. Mayroon akong nakikitang isang malaki at makinis na kamay. It even move and pull me into his embrace. Nais kong magmura ng paulit-ulit ngunit wala wala namang kumakawala sa mga labi ko. Kinabog ng husto ang kanang dibdib ko. I don't need to guess who owns it. It's him. It's hundred percent him.

Nakangangang nilingon ko ang may-ari ng mahiwagang kamay. Sinalubong ng mga mata ko ang mala-anghel na mukha na namamahay sa mundong ibabaw. Ang makakapal at mahaba niyang pilik mata. Patungo sa matangos at perpektong niyang ilong, pababa sa labi niyang hinurma na parang isang babae sa ganda. He might be bless with a beautiful face but not with his soul.

Isang matinis na sigaw ang pinakawalan ko. Sa labis na pagkataranta upang makawala sa kanya nahulog ako sa kama. Ang malamig na sahig ang sundalo sa akin.

Amputsa! Ang sakit!

"Ouch!" nakangiwing sinapo ko ang nasaktan balakang.

"Wifey you're so noisy," aniya, pikit matang kinuha ang unan ko at niyakap ito. Walang kaso sa akin iyon ngunit damuhong ito, inamoy ang minamahal kong unan.

Kadiri naman. May laway pa ako don. Nangangamoy laway ang unan ko ngunit...

"Matheu!" Parang dragong atungal ko, sabay tayo. Hindi ako aaktong ganito kung wala siyang maling nagawa. Pinasok niya ang silid ko.

Oo nga't mag-asawa na kami ngunit matapos naming ikasal, anim na taon na ang nakalilipas mula ngayon. Meron kaming kasunduan at ang kasunduang iyon ay hindi niya pwedeng baliwain. Bawal kaming magtabi sa pagtulog.

"Wife." Malanding reklamo niya. Kung ako, kontodo force na, siya, feel pang gamitin ang kalandian ng boses niya. Ang hina ng voice.

"Huwag mo akong ma-wife-wife diyan! Why are you here inside my room?!" +__+

"Sleeping." Aniya, nakapikit parin.

Napabuga ako ng marahas sa pamimilosopo niyang ito. Ke-aga-aga sisirain niya ang gising ko. Bad shot na nga ako sa panaginip na iyon, dinagdagan pa ng AB normal na ito.

"Bakit ka nga nandito?!" +__+

"Natutulog." *pikit

Nanlulumong inihilamos ko ang isang kamay sa mukha ko. Nakaka-mooset na siya.

"Umayos ka Matheu!" +__+

"I'm just telling the truth wife." *pikit

Sa labis na pagkainis sa pagiging AB normal niya, kinuha ko ang unang niyayakap niya at buong lakas iyong ibinato sa kanya.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now