Chapter 30 Confrontation

970 34 1
                                    

Chapter 30 Confrontation


***ROWIE POV***

"SO you're choosing Matheu over his career?" I sense irritation on his voice, as he looks at me.


The only thing I could do is to shrug my shoulders. Wala naman kasi akong balak na piliin si Matheu. Ang career niya ang mahalaga sa akin. Matagal na panahon ko itong pinaghirapang protektahan kaya wala akong balak na baliwalain iyon.


Kahit na masaktan ako o ang maging single mother ang magiging ending ko. Okay lang sa akin. Basta huwag lang mawala kay Matheu ang pinapangarap niya.


Bago ko nga pala makalimutan, nandoon sa fitting room si Matheu. Inaayusan na siya. Malamang naunang natapos itong si Seb kaya naman kinausap niya ako. Wala naman akong magawa kundi ang makipag-usap sa kanya. I don't have choice after all.


"I can't believe you." Muling nabaling ang atensiyon ko kay Seb.


You have too! =__=


"Do you really love him that much?"


Of course yes. Hindi ako papayag sa shot gun wedding na naganap sa pagitan namin ni Matheu kung hindi ko ito mahal! At wala akong balak na sabihin ito sa traidor kong kaharap.


"Ano ba ang nakita mo sa kanya at hindi mo nakita sa..." he intentionally cut his words. "So you already decide?"


Napatayo ako ng tuwid ng hindi oras. The way he looks, tila ba may gagawin siyang hindi kaaya-aya.


"So be it." He said, binalak niya akong talikuran.


"S-stop right there!" I hissed. Hindi ko hahayaan na sirain niya ang pangarap ni Matheu. Hindi kailanman.


Unti-unti siyang humarap sa akin, kasama ang nakakainsulto niyang tingin.


"So..." ibinulsa niya ang mga kamay. "Nagbago na ba ang isip mo?"


Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kay Matheu. Sa pagkakaalala ko kasi, magkaibigan silang dalawa kaya naman... bakit?


"W-why..." humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kailangan kong maliwanagan. Hindi ko kasi maunawaan ang lahat na nangyayaring ito.


"Bakit..." I tried to look at him in the eyes. "Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito? Bakit sinisiraan mo ang sarili mong kaibigan?!"


I knew that they were good friends before. Ito ang kasa-kasama niya sa tuwing may party siyang dadaluhan. Kaya naman nalilito ako.


He just smirk.


Langya naman! Hindi na lang ako sinabihan! +__+

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now