Chapter 9 Mr. Epal

940 45 0
                                    

Chapter 9 Mr. Epal


***ROWIE POV***

KABADONG pinagmasdan ko ang labas ng magazine. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako maka-recover sa pagsalita nito kani-kanina lang.


Saan ka ba makakakita ng papel na bigla na lang magsasalita?! Inuutusan ka pa na bilhin siya.


Whew! >__<


Sabihin natin na may movie ngang ganoon pero puro edited naman iyon lahat. May special effects na gawa ng tao pero yung kanina...


*gulp*


Ahhhhhhh!


Nakakatakot! >__<


"Ma'am what's your order?"


"Ay kabayo!" Gulilat na napatingin ako sa bigla na lang nagsalita. Sa katunayan sapo ko pa ang puso ko sa labis na pagkagulat. Ang tindi ng heartbeat ko!


Pahamak naman itong waiter na ito! >__<


"Pwede wag kang manggulat!" angal ko doon sa waiter na tanging pagkamot lang sa ulo ang ginawa.


"Sorry po ma'am." >__<


"Tss!" =__=


Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang patawarin ito. Pinagtuturo ko na lang ang ilang pagkaing nakalagay sa menu at pinalayas ang lalaking ito pagkatapos.


Back to alone me na ako. Muli kong pinagmasdan ang cover ng magazine. It's not moving anymore nor saying some words. Silent mode na siya.


*Sighs*


"Malamang dala lang ng gutom ko ang nangyari kanina." Mahina kong bulong.


Kabadong kinuha ko ang magazine at binasa ang laman nun. P.S. Yung totoo? Medyo nanginginig ang mga kamay ko. Natatakot kasi ako na may bigla na namang salita.


Tama na ang convo namin ng magazine kanina. Wala na akong balak dagdagan ito.


Panay ang kakatingin ko sa bawat pahina. Mabilis kong inililihis ang paningin ko kasi nakaka-bore tingnan. Puro mga words kasi. Kapagud basahin. Buti sana kung mangga series, mag-e-effort talaga akong basahin at bilhin siya.


*Lipat ng pahina*


*Lipat ng pahina*


*Lipat ng pahina*


*tigil*

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now