Chapter 8 Talking Mag

1K 44 0
                                    

Chapter 8 Talking Mag


***ROWIE POV***

PAHINAMAD kong pinagmasdan ang mga comic books na nakahilira sa istante. Tinitingnan ko kung saan dito ang maganda. Yung about sa anime. Nakakaumay kasi kung puro business na lang ako. Mas mabuti itong nafo-focus ako sa iba.


Yung totoo? Mahilig ako sa anime, ito lang ang kasangga ko kapag na-bo-bore na ako. Marami nga ang nagsasabi na napakaisip bata ko at the age twenty four. I have to act as my age daw. Tss! Hindi naman ako sila para gayahin ko ang pagiging mature ng utak nila.


Mas maganda kung ganito lang ako. Hindi nag-iisip ng matured things kahit na may asawa na akong tao. Nakakatanda lang kasi iyon lalo at nakaka-depress pa. Ang mundo ay puno ng problema, kung poproblemahin ko ang ganitong kasimpleng bagay tiyak na ma-fu-frustrate lang ako, hindi makaka-focus at ikasisira ko pa!


=__=


"Alin kaya dito ang maganda?" tinapik-tapik ko ang baba gamit ang isa kong daliri habang binubusog ang mga mata sa kakatingin. Ang gaganda kasi nilang lahat!


^__^


"Hmmm..." kinuha ko ang pinakamakapal. Nagagandahan kasi ako sa cover, lalo na sa mga gumaganap na bida. "Ito na lang kaya?" Nangingiting niyakap ko ito. "Sige, ito na lang." ^///^


Okay, ako na itong sira! Sarili na ang kinakausap! ^___^v


*lakad


*lakad


*tigil


*atras


PINASADAAN ko ng tingin ang isang magazine na nadaanan ko. Kilala ko kasi ang cover nun. Hindi lang pala kilala. Kilalang-kilala.


May ilang letra akong nakikita sa gilid, mukhang na-interview yata ang loko.


"Ano kaya ang naitanong sa kanya?" (?__?)?


Tss! As if naman masasagot ako ng sarili ko. Tinalikuran ko na lang ito at nagmarcha ulit.


*lakad


Hmmm.... Sa pagkakaalala ko hindi ugali ng lalaking iyon ang magpalagay ng kung anu-anong detalye tungkol sa kanya.


*lakad*


Masyado siyang secretive. Kaya nga ang hirap niyang pagkatiwalaan! =__=


*lakad*


Pero...

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt