Chapter 32 Bloody Eve

1K 35 0
                                    


Chapter 32 Bloody Eve


***ROWIE POV***

PINAGMASDAN ko ang sarili sa salamin, na higit na mas mataas sa akin. Kanina pa ako dito. Hindi ako makaalis. Nag-le-left and right mode na ako. Kahit saang anggulo kasi ako tumingin, hindi ko makita, o mas tamang sabihin hindi ako nagagandahan sa damit na hawak ko.


Taka much na ba kayo? Nandito ako sa loob ng mall. Kailangan ko kasing mag-unwind. Lagi na lang kasi akong nagkukulong sa bahay ni Dannica. Nakakahiya naman kasi doon sa tao. At tsaka, maliban doon, hindi daw maganda sa buntis ang humiga-higa lang. Dapat mag-exercise mode din.


Aish! =__=


Muli kong sinulyapan ang hawak kong damit. Peach ang color nito tapos may raffles pa. Hindi pa naman ako mahilig sa ganito.


"Hindi mo gusto?" ?__?


Nilingon ang kasasalita lang. Ang natatanging nilalang na nagbigay sa akin ng ganitong kasagwang damit. Hindi naman sa hindi ko na-a-appreciate ang taste niya, kaso naalibadbaran ako sa ganitong style.


May raffles talaga?! >__<


"Wala na bang iba?" nakabusangot kong angal. E sa hindi ko talaga masikmura.


"Ang arte mo naman." =__=


"Ayoko ng may raffles!" =3=


"K fine." Kinuha niya mula sa akin ang hawak ko. "Maghahanap ako ng panibago." =__=


"Wag na!" awat ko sa kanya.


"Bakit?"


Ang pangit ng taste mo! >__<


"Ako na lang para mabilis." >__<


"Sure ka?" (?__?)?


"Oo." Mabilis ang ginawa kong pagtango. Agad ko siyang nilayasan. Kaibigan ko si Dannica, kaya hindi magawang sabihin na hindi ko talaga gusto yung napipili niya. Kailangan ko kasi ng damit na medyo malaki sa akin para hindi mahalata itong tiyan ko.


Sa totoo lang inabot na ng ilang buwan ang pagtatago ko. Kahit ang papa ko ay hindi alam kung nasaang butas ako ngayon. Nagdahilan na lang ako na pumunta ako sa America. Buti na lang naniwala.


Si Matheu? Wala akong alam patungkol sa kanya sapagkat hindi ako nangangamusta. Ayokong makirinig o ang alalahanin siya kasi tuwing iisipin ko siya, mas lalo lang akong nasasaktan.


I sigh.


Ang hirap talagang magmahal, maraming pagsubok at paghihirap bago ka maging masaya. Buti pa ang iba, sa kabila ng lahat ay nagkaka-happy ending pa. Samantalang ako? Wala! Nga-nga!

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now