Chapter 25 Coercion

829 33 0
                                    

Chapter 25 Coercion


***ROWIE POV***

NAGISING ako nang dahil sa halimuyak ng kung anong pagkain. Pilit akong bumangon at tinungo kaagad ang kusina. OO, iyon talaga ang uunahin ko. Hindi naman sa nag-aasta PG ako, short for PATAY GUTOM. Kasi naman may tao ako na dapat makita at makausap. Huwag na kayong mag-isip kung sinong alien ito. Isa lang naman ang kasama ko sa bahay. It's my husband Matheu Salcedo.


Tsk! =///=


Dati-rati hindi ko masabi sa utak ang katagang iyon. Ngayon ay nagagawa ko na. Iba talaga ang epekto ng pagkakaroon ko ng baby.


I gently touch my tummy. Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang ngiti. Ngiting may halong lungkot. Alam ko na isang sugal ang gagawin ko ngunit kailangan kong magpatuloy. Hindi ko pwedeng hiwalayan si Matheu. Hindi kailanman ngayon pang magkaka-baby na kami.


Nilingon ko ang paligid nitong kitchen. Kahit saan ko idako ang mga mata ko wala akong makitang tao. Hindi ko siya makita. Mukhang umalis na naman siya!


Pinagmasdan ko ang Chopsui na ngayon ay nakahain sa mesa. Mainit pa ito at mukhang kalalapag pa lang.


Muli kong inilibot ang mga mata. I also went to the sala. Pati nga sa labas tiningnan ko rin kaso... Ang nakakainis na parte, kahit saan ko idako iyon, wala akong makitang tao.


Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Mahirap talagang habulin ang taong ayaw magpahabol. Bumalik na lang ako sa kusina at kinain ang pagkaing naroroon. Hindi ko napigil ang pangilid ng mga luha ko matapos kong marinig ang ugong ng sasakyan na mukhang kakaalis lang.


It's him. Sinalisihan niya lang ako!


I bit my lower lip. Tumitig ako sa taas para hindi pumatak itong napipinto kong luha kaso ayaw yatang mag-paawat nito. Pumatak talaga siya.


Buong-pait akong ngumiti.


Inaamin ko, naiinis ako kapag nariyan siya ngunit kapag wala naman hinahanap ko siya. Ang hindi ko nga lang maintindihan sa kanya. Magmula ng umuwi ako dito, hindi ko siya maabutan. Lagi siyang wala pagkagising ko. Ngunit lagi namang may pagkain na nakahain na mesa.


Ang huling beses na nakita ko ang pagmumukha niya, iyon ang araw na tumulong ako sa pagsagawa ng proposal ni Anthony sa kaibigan kong si Jhoey.


Nagkasalubong kasi kaming dalawa sa loob ng bahay. Hindi niya ako kinausap. Tinitigan niya lang ako gamit ang blangko niyang anyo, matapos nun nagtungo na siya sa silid niya. Na tila ba wala siyang nakitang tao. Nang mga sandaling iyon naguluhan talaga ako. Mas naguluhan ako nang sa mga sumunod na araw ay hindi ko na siya maabutan sa sala. Kung uuwi naman siya, masyado nang gabi.


Tumigil na ako sa pagkain. Para kasing nawalan na ako ng gana. Maraming dahilan kung bakit umiiwas ang isang lalaki sa isang babae. It's either may kabit na ito o... may iba na?!

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now