Chapter 19 Dawn

961 37 0
                                    

Chapter 19 Dawn


***ROWIE POV***

WALANG sawa kong pinagmasdan ang kisame nitong condo ko. Wala kasi akong magawa sa mundong ibabaw kaya naman ganito muna ako. Bakit? kasi wala akong energy sa kadahilanang tinatamad ako. As simple as that! =__=


*Inhale


*Exhale


*Inhale


*Exhale


Saglit akong natigilan. Sa tingin niyo? Ano ba itong ginagawa ko? Parang na-a-abnoy na yata ako. Tama bang ganito lang ako? Ang tumingin-tingin sa kisame na hindi naman nag-ta-transform?


Putiks naman! What's wrong with you Rowie?! >__<


"Ano ba talaga ang nangyayari sayo?" parang sira na tanong ko sa sarili. Buti sana kung masasagot ako ng self ko kaso parang ano... parang hindi. Nako-confuse kasi ang inyong abang lingkod.


>__<


?__?


=__=


Sino ba itong kinakausap ko? Kanino ba ako nag-e-explain? Sa Hangin? Sa mga small particles? O Sa alikabok? =__=


Ikinibit ko ang mga balikat. Malamang all of the above! =__=


I sigh.


Muli kong ibinagsak ang katawan sa kama, sabay takip ng isang kamay sa mga mata ko. For now, gusto ko munang umidlip. I need to rest. Kanina pa kasi ako gising. Kanina pa ako parang sira na nag-a-eye to eye sa kisame. Oo, inabot na ako ng walong oras.


I simply look at the alarm clock beside me. It's already 2 am in the morning.


"Darn!" Bakit ba nahihirapan akong makatulog? Bakit?! >__<


Rowie!


Naimulat ko bigla ang mga mata ko. Muli ko na naman kasing narinig ang boses niya. Muli na namang lumitaw sa balintanaw ko ang ilang kaganapan kanina. Kung paano pakitunguhan ni Matheu ang babaeng matangkad na mukhang model na babaeng iyon.


"Tss! Ano ka ba naman Rowie?! Matangkad lang siya. Di hamak na mas maganda ka sa kanya!" +__+


Pero... pero...


Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kung anong sakit sa puso ko. Na tila ba may kung anong pumipiga dito dahilan para mahirapan akong huminga.


Kahit balik-baliktarin ko man ang lahat. Hindi maipagkakailang maganda ang bruhang iyon. Halos lahat yata ng magandang katangian sa pisikal na kaanyuan ay hinakot na nito. Nung magpaulan ng height, magandang katawan at kutis, mukhang sinalo na yata ng bruhang iyon. Masyado siyang swapang.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora