Chapter 14 Usapang Lasing

1K 45 0
                                    


Chapter 14 Usapang Lasing


***ROWIE POV***

"ROWENA." Muling sabi ni Matheu habang walang tigil sa kakangiti ng nakakainsulto.


Gusto ko siyang tadyakan, apak-apakan, katayin, patayin, buntalin, sakalin kaso ayaw namang sumunod nitong katawan ko. Ayaw nitong kumilos. Kahit ang paghakbang ay hindi ko magawa.


"Meet." Nilingon ni Matheu ang katabi niyang tukmol. Nararapat lang naman na tukmol ang itawag ko dito o hindi kaya ipis, haliparot, AB normal. Kasi napakawalang kwenta ng bruhang ito. Bastos sa pinaka bastos. Anong karapatan niya na makipaglandian sa mismong pamamahay ko?!


Mga peste sila! Peste! +___+


"My new girl." Pagpatuloy ni Matheu.


Sukat sa narinig bumagsak ang pinipigil kong luha. Hindi ko matatanggap na magiging masaya siya sa piling ng iba, samantalang ako ikinulong ko ang sarili sa loob ng anim na taon para lang makasama siya. Kahit alam ko na iba ang... Hindi ako ang...


Ikinuyom ko ang mga kamay sa sobrang inis. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba. Pagtitiisan niya ang pagsasama namin. Torture niya yun... o sa akin?


Tss! =__=


Marahas kong pinunasan ang pisngi ko na ngayon ay basa nang dahil sa luha. Huminga ako ng sobrang lalim para kalmahin ang sarili ko. I even look him in the eyes full of hatred.


I smiled of him so sweetly. Ipinapakita ko sa kanya na matapang ako sa kabila ng walang tigil na pagpatak ng mga luha ko.


I hate him!


Sunod kong sinulyapan ang babaeng katabi niya. Wala talaga akong makitang maganda dito. Height lang ang lamang nito sa akin ngunit pagdating sa kutis at kagandahang mukha, mas lamang ako.


I hate him!


Kinasusuklaman ko siya. Sobra!


"I hate you..." nasabi ko na ang isinisigaw ng utak ko. "I hate you..."


Ewan ko ba kung bakit, habang sinasabi ko ito unti-unting dumidilim ang paningin ko.


"I hate you..."


Nagiging blangko na ang lahat.


"Rowie..."


Hindi ko maintindihan kung bakit wala na akong makita kundi kadiliman. Tapos parang umuuga ang katawan ko na para bang niyuyugyog ako. Hanuto? Nasa massaging chair lang ang peg ko?


"Rowie."


Bakit ba ganito?! >__<

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now