Chapter 13 On Caught?

966 40 0
                                    

Chapter 13 On Caught?


***ROWIE POV***

"SA tingin ninyo, babalik pa ba silang tatlo?" wika ng kaibigan kong si Jhude, sa pagitan ng pag-inom ng juice.


"Hindi na yun. Malamang takot na ang bruhang si Zyle ma-interview." Nakangusong sabi ni Jheff. Masama ang pagkakatingin niya sa pork chop. Sa katunayan tinutusok at hinihiwa niya ito with force. Kung buhay lang ito, natitiyak ko na pinagpapalo na ang babaeng ito sa pwet o hindi kaya nahiwa-hiwa na rin.


Creepy! >__<


"I agree." Sang-ayon ni Analine, sabay subo ng steak. "Pero... pansin niyo guys, ang po-pogi ng mga kaibigan ni Zyle. Mukha silang mayayaman." ^__^


Lahat kami ay napatingin kay Dannica, nabitawan kasi niya ang spoon niya. Mukha rin siyang gulat na gulat.


May Problema kaya? (?__?)?


Bago ko nga pala makalimutan. Nandito na ako sa tagpuan naming siyam. Busy kaming lima sa kaka-kain, kakanguya at kakalunok ng food namin. Huwag na kayong magtaka kung bakit nabawasan kami ng apat. Umeskapo kasi ang tatlo samantala ang isa naman ay nasa kabilang table. Nakikigulo sa model na si John Cloud Ortega a.k.a. CLOUD. Sa pagkakaalala ko kasamahan ito ng pasaway na si Matheu.


Weird. Hindi sila magkasama. Siguro umuwi na yun o hindi kaya dumiskarte sa iba.


Subukan niya lang! Hahambalusin ko siya slash ingungudngud sa sahig!


Grr! +__+


"Rowie."


"Hmm?" napatingin ako kay Analine. Tinawag niya ako e. "Bakit?" =__=


"A... kasi..." tila kabadong itinuro niya ang daliri sa baba. Sa....


Sinundan ko na lang ang daliri niya para makatiyak. Gilalas ako sa nakita. Nakakuyom ang kamay ko. Ang higpit ng pagkakahawak ko sa tinidor na para bang ready to kill someone.


Amputsa! O__o


Ngumiti ako ng pilit sa kanila, sabay tabi ng tinidor. Sa kakaisip ko ng hindi maganda, lalo na ang pangchi-chiks ni Matheu, muntik na akong lumabas sa tunay na ako.


"Pina-practice ko lang kung paano ba tutusukin ang pork chop." ^__^


Uwaaah! Sana maniwala! >__<


Nang umuling sila at muling kumain doon ako nakahinga ng maluwag. Buti na lang may pagka-uto-uto ang mga ito.


Safe! >__<


Tsk! Back to my friends. Iyong tatlong wala pa. Ganito kasi yun. Lahat naman kami ay pumunta kaso umeksena lang si Zyle. Siya itong huling dumating ngunit siya ang pasimuno ng pagtatagpo naming siyam. Libre niya kasing lahat ito. Hindi nga um-order ang iba, maliban na lang sa akin.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now