Chapter 23 PAST

938 33 0
                                    

Chapter 23 PAST


***15 YEARS OLD ROWENA VILLA***

***ROWIE POV***

HINDI ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang video na pinapanood ko. Ang ganda-ganda kasi. Andaming scene ngayon, at andaming new friend siyang na me-meet. Ang kwento kasi ay tungkol sa isang batang lalaki. Nagta-travel siya para maging master. At sa paglalakbay niyang ito may name-meet siyang new friends.


Friends! >__<


Napalis ang ngiti ko sa labi. Ang pagkakaroon ng kaibigan. Iyan ang bagay na wala ako.


Ibinaba ko ang phone ko at pinagmasdan ang mga kamag-aral ko na walang tigil sa pagtakbo. Yung iba nakikipag-kwentuhan. Gumagawa ng project, assignment at nag-uusap sa mga buhay nila.


"Nakakainggit." Nagpakawala ako ng isang napakalungkot na ngiti. Hindi ko kasi mapigilan. Kahit isa kasi ay wala akong kaibigan. Ayaw nila sa akin kasi weird daw ako. Puro anime ang gusto.


"Tingnan niyo." Dinig kong sabi ng ka-klase kong si Maya.


Aish! Heto na naman tayo! =__=


Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak nila ngayon.


"Ngumingiti na naman siya ng mag-isa." >__<


Mukha raw akong monster kapag ngumingiti. In additional, hindi kaaya-aya sa mga mata nila. Pwede na raw akong mapabilang sa mga multo at mga nilalang na hindi naniniwala sa Diyos kundi sa Diyos-Diyosan. Parang witch.


Mga judgmental! I believe in God! Nasa isip at puso ko po Siya! >__<


"Nakakatakot." >O<


Pahinamad na ipinasok ko ang ilang gamit sa bag ko, sabay sakbit nun sa isa kong balikat.


"Don't mind her. Hindi siya worth it ng mga mata niyo." sabi ng isang babae na puro kulurete ang mukha. Isama niyo na ang damit. Kulang na lang crystal balls. Malapit na niyang maging kamukha ang Christmas tree.


It's Kara!


Ang atribida kong classmate. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpaganda. Tss! Hindi naman kagandahan. Mas makinis pa nga ang kutis ko sa kanya. Sa pananamit lang siya lumamang. Sexy kasi ang bruhang iyan.


=__=


Kesa pansinin siya, nag-march-a na lang ako palabas ng room. Magka-cutting class muna ako. Wala naman kasi akong mapapala sa pagpasok. Maliban sa alam ko na ang topic, nababagot ako sa kakakinig, mas mabuti pa ang manood ng anime. Tatapusin ko ang panonood ng POKEMON na naputol kasi may mga bangaw na bigla na lang nag-ingay.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now