Chapter 16 Lies

1K 43 3
                                    

Chapter 16 Lies


***ROWIE POV***

INHALE


EXHALE


INHALE


EXHALE


WALANG tigil ako sa kaka-enhale-exhale habang hawak-hawak ang parihaba at puting bagay na ito. Hindi ko siya magawang titigan. Humuhugot pa kasi ako ng sandamakmak na lakas ng loob para isakatuparan ang kahindik-hindik at nakakakabang bagay na ito. Kaso kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, hindi ko parin magawa. Hindi ko siya magawang titigan. Sa katunayan, laging nasa itaas ang tingin ko. Bakit? Kasi hindi pa ako ready.


"Naman! Ano ba talaga Rowena?! Umayos ka nga!" >____<


I bit my lower lip and tried to look below, sa kamalas-malasan inaataki ako ng kaabnormalan ko. Hindi ko talaga siya magawang titigan.


INHALE


EXHALE


I believe in you Rowie! Kaya ko yan! >___<


Pilit kong iminulat ang mga mata. Una ang kaliwa, kung saan isusunod ko na ang kanan saka pa may kumalabog sa pintong nasalikuran ko.


"HOY!"


"Ay kambing!" Sa labis na pagkagulat at pagkataranta nabitawan ko ang bagay na kanina ko pa hinahawakan. "Hala! Ang pregnancy test!" O__o


Maang na napatingin ako sa puting bagay na ito na ngayon ay abala sa pag-si-swimming sa kubita. Para itong kumakaway sa akin at nagsasabi ng goodbye Philippines, goodbye world.


"MATAGAL PA BA YAN?!!" anang babae na nasa labas, walang tigil sa pagkalambog.


Nanghihinang napaluhod ako. Gusto ko siyang damputin sa mismong lugar na ginawa nitong swimming pool kaso hindi ko naman kaya.


Maraming virus! T__T


"LALABAS NA ITO!" anang boses na nasa labas.


Wala akong pakialam kung maglumpisay man ito sa labas o kaya maglabas pa siya ng poison. Itong PT ang pinoproblema ko. Ang laki ng self-esteem na inipon ko para magawa lang itong titigan tapos ito lang?! Matatapos lang ang lahat sa pag-dive sa kubita?


Nakakaimbyerna super! +___+#


"HEY!"


Pahinamad na nilingon ko ang pinto. Nasa PIKON stage pa ako. I've waited 2 weeks to do this thing. I wanted to know kung nagbunga nga ang kalasingan kong iyon. Sa katunayan, naglayas ako ng bahay nang dahil sa labis na kahihiyan sa ginawa kong kaabnormalan at babalik lang ako oras na masigurado ko na buntis na nga ako kaso... kaso...

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now