Chapter 7 Toothache

1.1K 48 1
                                    


Chapter 7 Toothache


***ROWIE POV***

MARIIN kong ipinikit ang mga mata habang idinidikit ang dulo ng malambot kong unan sa butihin kong pisngi. Sa left side. Nang hindi ako makuntento sa kakadutdot, ibinato ko ang unan at pinagsisipa ito. Pahamak kasi, hindi nito ako magawang pakalmahin.


"Ahhhhhhhhhhhh!" sigaw ko, to the highest level na ito kaso kagaya ng dati ganoon parin. Wala parin.


It's aching! It's darn aching! T__T


Oo, as in oo. Sobrang sakit, napakasakit. Sumasakit ang ipin ko. Ang precious teeth ko. Malamang nang dahil sa pagkain ko ng dessert kanina. Masarap kasi e!


Huhuhu! T__T


"Naman!" >3<


Ano ba ang gagawin ko? Sobrang sakit na talaga! Naiiyak na tumingin ako sa kabila at kanan ko. Wala akong ibang makita kundi ang haligi. Mukhang no choice na ako. Kailangan ko ng bumangon at hanapin ang gamot sa medical kit. Balak ko naman sanang tiisin na lang ito kasi tinatamad akong lumabas ng room ko kaso super sakit na e.


Lumabas ako ng room ko at tinungo ang kusina, ang nakaka-inis na parte kahit saan ako tumingin, o maghalukay wala akong makita. Kahit man lang dulo nun ay wala.


Kainis! >__<


"Saan ba nalagay ni Matheu yun?" hirap kong wika habang sapo ang mukha ko.


*hanap


*hanap


"Naman! Wala talaga!" Napapadyak kong sabi. Masakit na nga itong ipin ko nakikisama pa ang pagkakawala ng lalagyan ng gamot.


Kahit ayoko mang guluhin ang pagtulog niya, no choice na ako.


Kagat-labing tinungo ko ang silid ni Matheu. Kagaya ng nasabi ko na, sobrang sakit ng ipin ko at sa sobrang sakit sarap ihampas sa pader.


Matapos kong marating ang silid niya, syempre tumigil ako sa mismong harap ng pinto. Marami akong dahilan kung bakit ayokong mang-isturbo ng tulog ng may tulog. Kung ibang tao? Willing akong manggulo, marami akong alam na kalokohan pero iba ang taong nasa likod nitong pinto.


He's a... a...


I bit my lower lips.


A seductive devil!


Inihilamos ko ang isa kong kamay sa mukha ko sa sobrang frustration, kaya nga lang, sa kasamaang palad natamaan ko ang sumasakit kong ipin kaya naman ang ending...


"Aray!" >__<


No choice na! >__<

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant