Chapter 11 Imagination?

1K 40 0
                                    

Chapter 11 Imagination?


***ROWIE POV***

"KAKAUSAPIN ko ba siya o hindi?" walang tigil ko itong tinatanong sa sarili ko habang non-stop sa kaka-left and right. Kanina pa ako parang baliw, sira, loka-loka na panay ang kakausap sa sarili. As if naman na masasagot ako ng sarili ko.


=__=


Nanghihinang ibinagsak ko ang sarili sa kama. Nakakapagod kasi ang kakaikot, kakaisip at kaka... isip?


Ahhhhh basta! >__<


"Bakit pa kasi iyon pa ang pinag-usapan namin ni Dad? Pahamak na convo iyon." >___<


Pinagsisisihan ko tuloy na dinalaw ko siya, hindi niya sana uungkatin ang nakakadiring bagay na iyon.


Aish! =__=


Nakakahiya mang aminin ngunit hanggang ngayon ay binabagabag ako nang napag-usapan namin ni Dad. Doon sa APO thingy na iyan. Gusto niyang makita ang continuation ng magaganda naming lahi.


Twenty four pa naman ako, masyado pang bata para magka-baby na...


Aish! >__<


Tinitigan ko ng husto ang kisame. Gusto ko lang kasi mag-imagine. Hindi ng magagandang bagay kundi ang pinakamaharot sa lahat.


Kung ako ang tatanungin, hindi ko pa nakikita si Matheu na walang cover all over, hanggang top less lang. Bweno, wala naman akong balak na lumihis ng tingin.


"Pero... paano nga kung... kung naka-birth suit lang siya?" ?__?


Bakit, parang uminit yata? Pinapawisan kasi ako ngayon ng malapot. Dala ng sobrang init ng panahon? =__=


"WIFEY!" Laking gulat ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng room ko at iniluwa nun si Matheu.


Hala! Hanuto? O___o


"How are you wifey?" nakangisi niyang sabi habang nakahilig ang isa niyang kamay sa pader. Tinititigan niya ako ngayon na puno ng pagnanasa? Hindi ko tiyak.


Yuck! Gusto kong masuka! >__<


"Kanina okay ako, ngayong nandito ka na, hindi na." halos patuya kong sabi. Ang panget kasi ng entrance niya.


Nagsalubong ang mga kilay ko nang magsimula siyang maglakad. Ang nakakapangilabot na parte habang papalapit siya tinatanggal niya ang suot niyang damit. Lalo na ang pang-itaas.


"What the heck are you doing Matheu?!" namumulang angal ko. Hindi ko kasi ma-take ang view. Yung katawan niya kasi parang kumikinang, umiilaw na tila ba sinabitan ng Christmas lights.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin