Chapter 29 HUG

966 36 0
                                    

Chapter 29 HUG


***ROWIE POV***

HINDI mawala ang pagkainip ko sa buo kong pagkatao. Expected ko kasi na magiging okay kahit papaano ang araw na ito kaso hindi. May umepal. May lakad sana kami nitong si Matheu kaso naudlot kasi tumawag ang manager niya. May photo shoot daw sila ngayon. Ito namang si Matheu hindi man lang ako sinabihan kagabi. Nasayang tuloy ang pagpapaganda ko.


Tss! =__=


Huwag ninyong iisipan na ginagawa ko ito para sa kanya. Kailangan kong magpaganda para sa baby ko kasi kapag maganda daw yung nanay maganda din ang anak.


Kumunot ng bahagya ang noo ko. Kanino ko ba narinig ang bagay na iyon? Ang sagwa a! Parang hindi naman kasi...


Argh! +__+


Gusto kong batukan ang sarili sa kaabnormalan na naiisip ko ngayon. Hindi kasi makatotohanan. Magdadahilan na nga ako tapos ano pa... yung ano... basta! >__<


"Wifey..."


Pahinamad na nilingon ko si Matheu. Naiinis ako sa kanya. Kung ipinaalam niya sana ng maaga, hindi sana ako ma-sa-stock sa edsa kasama siya. Hindi sana kami inabot ng traffic at hindi na ako nag-ayos pa. Dapat sa bahay na lang ako at kumain ng kumain ng pagkain.


Pagkain! *O*


Sa tuwing mag-iisip ako ang pagkain, hindi ko mapigilan ang maglaway. Paglilihi na ba ito? Malamang oo. Pero ano... nakakainis kung minsan ang mabuntis. Nagki-crave ako ng pagkain tapos iluluwa ko lang naman pagkatapos. Hustisya naman sa nagpapa-cute na food.


"A-Are you hungry?" >__<


Napatitig talaga ako sa kanya ng husto. Pano naman kaya niya nalaman na nagririklamo na ang baby namin? May sa manghuhula lang? Ganern? =__=


Laking pagtataka ko nang may kung ano siyang kinuha sa backset. May nakasupot doong pagkain. Most of them are chocolates. Hindi ko tuloy mapigilan ang kunutan siya ng noo. Kailan lang ba siya nahilig sa chocolates? Sa pagkakaalala ko kasi masyado itong maingat pagdating sa pagkain.


Mukhang nabasa niya ang nilalaman ng utak ko. Itong pagdududa ko, kasi iniharang niya bigla ang dalawang kamay.


"Ibinigay ito sa akin ni Nhicolai." >__<


"Sino yun?" =__=


He sighs. "Kasamahan kong model. Ayaw niya raw ng flavor kaya sa akin niya na lang ibinigay." Tiningnan niya ang laman. "Nakalimutan ko sila sa kotse kahapon. Hindi pa naman siguro ito tunaw-"


Inagaw ko sa kanya ng walang pasabi ang plastic bag. Nakiusyuso na rin ako. Kagaya ng nasabi niya, mukhang tunaw na nga ang iba sa mga ito.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now