Chapter 33 Blow

1.1K 33 0
                                    

Chapter 33 Blow


***ROWIE POV***

"UWAAAAAAH! Sorry na Rowie! Patawarin mo na ako! Hindi ko talaga ginusto yun! Hindi ko sinasadya! Wala akong alam! Wala akong kaalam-alam!" Atungal iyan ng kaibigan kong si Zyle. Kanina pa siya ganyan. Kanina pa iyak ng iyak.


Yung totoo? Kanina pa naririndi ang tenga ko sa sobrang inis sa kanya. Saan ka ba nakakita ng nagpapahinga, tapos may umiiyak sa tabi mo. Okay sana kung simpleng iyak lang ito kaso ATUNGAL na talaga e! Basagan nan g eardrums.


"Rowie?" T__T


Grrr! Gusto yata akong tuluyan ng babaeng ito?! +__+


"O?" =__=


Walang pasabing hinawakan niya ang kamay ko at binalak sanang halikan iyon. "Hoy!" +__+


Sa labis na pagkagulat at pandidiri na rin syempre, nahila ko ang kamay at binigyan siya ng malutong na batok.


"Aray naman!" T3T


"Mag-alcohol ka!" angil ko, sabay tago ng mga kamay ko. Wala akong balak na mahalikan ng babaeng ito. Basa kaya ang mukha niya at may uhog pa yung ilong! Concern ako sa germs na mamamahay sa kamay ko! +__+


"Bakit ang brutal mo naman?" T3T


Ako pa talaga ang brutal?! +__+


Pinandilatan ko siya. Hindi pa kasi ako nakaka-get-over sa ginawa niya kagabi. Sinadya niyang dalhin ako sa VINZANE restau na iyon kasi alam niya na naroroon pala si Matheu. Muntik ko na siyang masabunutan sa labis na frustration. Muntik na kasi akong mawalan ng baby.


Buti na lang nadala ako kaagad sa Ospital. Ipinagpapasalamat ko rin na malakas ang kapit ni baby. Paano na lang kung hindi? Hindi ko ma-i-imagine! Baka mamamatay ako sa labis na heartbreak.


Teka, speaking of NADALA KAAGAD SA OSPITAL!


Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Tinitigan ko sila paisa-isa. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka ako. Wala silang nasasabi kung sino ang nagdala sa akin sa Ospital.


"Who brought me here?" walang anumang tanong ko sa kanila. Ang pinaka-weird na lahat. Nagsiiwas sila. Nagkanya-kanyang tingin.


Ganito iyon. Si Jheff, pinasadaan niya ng tingin ang kuko niya samantala ang kakambal naman niya ay kinamot ang ilong with matching tingin sa kisame.


Zyle, suddenly picks her phone. Mukha siyang na-shock o nag-gu-gulat-gulatan lang? "Hala, tumawag ang babe ko." >__<


"Wow ha, hindi man lang nag-ring?" =__=


BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now