Chapter 2 Stolen

2.1K 47 3
                                    


Chapter 2 Stolen


***ROWIE POV***

*TINGIN sa kaliwa


*Tingin sa kanan


*Tingin ulit sa kaliwa.


*Tingin ulit sa kanan.


Takang-taka ba kayo kung bakit ganito ako? Ganito kasi iyon, may cheni-check ako. Gusto ko lang malaman kung nasaang butas na ang AB normal kong asaw...


?__?


=__=


Teka, kanino ba ako nag-e-explain? Sa mga small particles na umaaligid sa paligid o sa maganda kong sarili?


Tss! =__=


Mahirap talaga kapag may AB normal kang kasama sa bahay, nahahawa ka sa abnormalan niya. Pero weird, kanina pa ako paikot-ikot dito sa bahay kaso hindi ko makita o mahagilap man lang ang lalaking iyon. Pati nga ilalim ng mesa tiningnan ko na kaso wala siya.


"Saan na kaya siya?" =__=


Magaling talaga siya when it comes to hide and seek portion.


Marami pa naman akong gustong sabihin, lalong-lalo na ang pagkakaroon niya ng duplicate key sa room ko. Hindi na siya nahiya. Hindi man lang niya binigyan ng hustisya ang kagalang-galang kong katauhan...


I paused for a moment.


Ni minsan kasi hindi na ako ginalang nun! Hambog kasi siya! =__=


Sa halip na katayin ko ang bruhong iyon sa isip, tinungo ko na lang ang kusina para kumain. Gutom na kasi ako. Nakakagutom kayang isipin ang pange- tss! Hindi ko magawang laitin ang pagmumukha niya, mas maganda pa kasi ang kutis nun kesa sakin.


Ikinibit ko ang mga balikat, sabay lakwatsa.


*lakad


*lakad


*tigil


Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata. Kanina kasi, nakapunta na ako dito at wala akong makitang kahit na ano tapos ngayon may bigla na lang lilitaw sa mesa. May ilang pagkaing nakahain doon. Take note UMUUSOK pa ang mga ito.


"Bagong luto?" ?__?


Malamang! Umuusok e! Saan ka ba makakakita ng malamig na umuusok?


=__=


Ay oo nga pala, yung ice umuusok din pala! Sige, ako na itong tatanga-tanga na kinukausap ang sarili ko na gulong-gulo sa biglang pagsulpot ng pagkain sa mesa.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now