Chapter 10 CONVO: Dad and I

1K 43 1
                                    

Chapter 10 CONVO: Dad and I


***ROWIE POV***

"GOODMORNING Dad." Nakangiting bati ko sa ama ko na busy sa kakayuko habang inu-ubserbahan ang ilang pearls na nasa mesa niya. Hindi niya po ito susuutin, tiyak na magwawala ang mama ko, bali ano lang... isasabit niya lang sa leeg. Syempre joke lang ulit yun!


^___^v


Part kasi ito ng business namin, we own a jewelry shop. Ni minsan hindi pa ito natumba, iyong nahila pababa, kasi sobrang galing ng ama ko.


"Hija?" tila gulat na sabi ng dad ko. Malamang magugulat siya, minsan lang kasi ako kung sumulpot sa office niya. Bakit? Kasi lagi niya akong tinatabog. Parang langaw lang di ba? Aish. Ewan ko ba kay Dad, ilang ulit na akong nag-volunteer sa kanya na ako na lang muna ang pumalit kaso may katigasan ang ulo niya, ayaw niya na malay ko naman kung bakit.


"How are you Daddy?" ^__^


"My beautiful daughter." Tumayo siya bigla at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Gumanti din naman ako, miss ko na kasi siya. Nami-miss ko ang lahat sa kanya. I know that he miss me too. Ako lang kaya ang only girl at only child niya.


"Bakit ka napadalaw hija?" aniya matapos ang yakapan.


"Dad naman e. Hindi ka ba natutuwa na dinalaw kita?" nagtatampong wika ko. Ang tindi kasi ng intro. BAKIT KA NAPADALAW agad?! Hustisya sa nagtatampong anak o! >__<


"Hahaha!" parang sira na tumawa si Dad, in a seconds nag-change look na siya. Kung kanina tawang-tawa ngayon ay plain na. No reaction.


"No." =__=


Bakit ganito ang papa ko? Parang may saltik lang e! =__=


"Tss! Ang sama mo Dad." Nakangusong angal ko. Nakakatampo at nakakainis lang kasi ang iniaasta niya. Ako lang pala itong assuming na MISS NIYA AKO!


Huhuhu! T__T


"Hindi naman masyado mahal kong anak." Nakangiti na siya sa pagkakatong ito.


O kitams! May saltik talaga ang Dad ko, una, sasabihin niyang hindi niya ako na-miss tapos may patawag-tawag na siya sa akin ng MAHAL KONG ANAK ngayon! =__=


Mahatid ko kaya sa mental ang Ama kong ito para naman gumaling siya sa...


I pause for a moment. Naalala ko kasi ang Mom ko, baka makatikim ako ng batok mula sa kanya oras na ihatid ko si Dad sa mental. Tsk. Hindi ko ma-imagine na mabatukan ni Mom. =__=


"So, what now? May ibabalita ka na ba sa akin?" bumalik siya sa inuupuan niya kanina with smiling face.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt