Chapter 28 Gloomy

849 35 1
                                    

Chapter 28 Gloomy


***FLASHBACK***

***ROWIE***

"SO ano na?" Ungkat ko sa kaharap na lalaki, habang naka-plaster ang napaka-peke kong ngiti sa labi. Kanina pa kasi kami dito sa isang bahagi ng restaurant kung saan ko nakita sina Matheu at yung babaeng magandang bruha. Kaso nasa lugar kami na malayo sa kanila.


Ipinagsalikop ni Seb ang mga kamay at mataman akong tinitigan. "Actually... I know that you and Matheu have a serious relationship."


Nanlamig ng husto ang katawan ko sa narinig. Hindi ko inakala na mabubuking niya ako. Agad-Agad! >__<


"I'm a bit shock. Wala kasing ipinapakilalang babae si Matheu. Kung hindi ko pa napanood ang video niyong dalawa-"


"Video?" putol ko sa sinasabi niya. Ang video yata na tinutukoy niya, mukhang yun yung nangyari kamakailan lang. Doon sa Hospital.


Argh! Kasalanan ito ni Matheu. Ayaw kasing makisakay sa drama ko na magpinsan kami. Feel pa kasing magmayabang e! +__+


"Yes, video." ^__^


"So what about it?" =__=


He shrugged his shoulders.


"Now that you find out that I and Matheu are lovers. What are you intended to do?" Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Dito din naman magtatapos ang lahat.


"You have to choose Rowie." Buong tiim niya akong tinitigan. "It's either him or his career."


"W-What do you mean?"


He sweetly smiled. Nagtaka ako nang may kinuha siyang kung ano sa bulsa niya. It's a phone. May kung ano siyang hinalungkat dito, nang makita niya ito, may ngiti sa labing ipinakita niya kung anong video ang naroroon.


May isang lalaki at isang babae na pinagkaguluhan sa hospital. Nag-aaway ang mga ito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mapakla. Ang babae kasi ay ako at ang lalaki naman ay si Matheu. Ito yung scene kamakailan.


Hindi nga ako nagkamali! +__+


"Once they find out..." napatitig ako sa pagmumukha ni Seb. Nakakasuka siya! "That you and Matheu are having an affair. Masisira ang career niya." Ibinalik niya ang phone sa bulsa niya.


Hindi ko magawang magsalita. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Napakasalbahe niya. Wala siyang puso!


"If you care for him..." Ngumiti siya ng nakakaloko. "You have to set him free!" ^__^+


I hate him! I really hate him! +__+

***END FLASHBACK POV***

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon