Chapter 17 Lies 2

955 39 0
                                    

Chapter 17 Lies 2


***ROWIE POV***

MARAHAN kong idinampi ang lipstick sa gilid ng labi ko. Kailangan kong magpaganda kahit kaunti lang. Ito na lang kasi ang makakaya kong gawin. Tamad akong maglagay ng maskara sa pagmumukha ko o kung anumang kuloriti. Hindi sa wala akong pambili. Hindi lang talaga ako marunong gumamit nun. Ganun din naman iyon di ba? Matapos kang maglagay, after ng lakad mo buburahin din naman kaagad. Nakakasayang lang ng oras.


"Kay tagal-tagal naring ako'y nahahanap, naghihintay, umaasa pag-ibig ay pinangarap."


Napatingin ako sa phone ko. Dinig ko kasi ang mahinang tunog nito.


"Kung saan-saan narin ako'y nakarating di parin natutupad ang aking hinihiling.."


Tiningnan ko saglit ang pangalang lumitaw, nang masigurado ko na ang lalaking ito ang kausap ko. Sinagot ko ito kaagad.


"I'm ready." nakangiting sambit ko habang nilalagyan ng takip ang lipstick ko.


(I'll be there in a few minutes.)


"Fine. I'll wait for you." sabay naming tinapos ang tawag. Kinuha ko ang pouch ko at lumabas na ng condo ko.


Hindi ko mapigilan ang ma-excite. Meron kasi akong importanteng lakad ngayon. Isang lakad na biglaan at hindi gaanong pinag-isipan dahil instant ito.


Pagkakita ko ng taxi, agad akong lumulan doon. Matapos kong makarating sa isang restaurant, agad akong bumaba at matiyagang naghintay sa labas. I have to wait here, not in my condo. Walang dapat na makaalam kung saang butas ako nakatira. It's for my own safety.


^__^v


Hindi nagtagal may tao ring dumating lulan ang bago at mukhang brand new na sasakyan.


Bago o hiram? =__=


I shrug my shoulders.


Bweno, wala naman akong pakialam kung alin don sa dalawa, basta ang mahalaga makaalis na ako at ma-manmanan ang pakay ko for my freedom.


Freedom?


.


.


.


.


.


I don't know why. Sa tuwing sasabihin ko ang katagang ito, para bang may kung anong kumakatok sa puso ko. Hindi ordinaryong katok, na tila ba ang sakit ng bawat paglapat nito.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon