Chapter 1

6.1K 222 11
                                    


Xena's POV

Paglabas ko galing kwarto ay agad kong kinuha ang aking folder na nakapatong sa mesa  sabay dali-daling isinuot ang luma kong rubber shoes. Hindi naman siya totally na luma ang itsura ngunit magagamit  pa naman ito kahit papaano.

Tumayo ako at pinagpag ang suot kong pantalon.

"Mama, pupunta na po ako sa school" paalam ko kay Mama.



Nakita ko naman si Mama na kalalabas lang galing kusina dala ang isang bowl na may mainit na sabaw.



"Ha? eh hindi pa kita nakitang kumain ah?" saad nya


"Mama, malalate na po kase ako at sa school nalang ho ako kakain, kailangan ko kase itong ipasa on time eh" paliwanag ko na bahagyang iniangat ang hawak kong folder.

Nang mailagay niya na ang bowl sa mesa ay tumungo ito sa direksyon ko sabay sabing "Baka gutumin ka niyan sa university?" alalang sabi ni Mama



"Huwag po kayong mag-alala Mama, bibili po ako ng makakain doon" alam kase ni Mama na sa sobrang pagtitipid ko pati sa pagkain ko ay tinitipid ko na rin.


"Promise" inakbayan ko si Mama sabay bahagyang tinaas ko ang palad ko na tila nagpapakita ng pangako.

Tinitigan ako ni Mama kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi " Oh siya, huwag mo tipirin ang sarili mo pagdating sa pagkain anak" sabi nito sabay mahinang pagtapik sa likuran ko.


"Opo Ma, sige po mauna na ho ako" sabay kiss sa pisngi ni Mama



"Huwag kayo magpapagabi ng uwi sa daan ng mga kaibigan mo, alam nyo naman yung panahon ngayon  hindi ba?" pahabol na paalala ni Mama sa akin


"Opo Mama, tatandaan po namin yan" nag thumbs  -up ako kay Mama saka ngumiti at pagkatapos ay dali- dali na akong lumabas nang bahay.



---

Napasulyap ako sa orasang pangbisig ko at ilang minuto nalang at male-late nako.

Naku naman oh oh, napasarap na naman yung tulog ko, minsan inaamin ko na napapasarap talaga tulog ko dahil sa pagod ang katawan ko kaya heto ako ngayon na tila kabayo na may karerang nagaganap, tsk.

Naiiyak na rin ako sa pagmaneho ni Manong driver, sa sobrang hina nang pagpatakbo nito sa jeep gusto ko tuloy magkaroon ng pakpak ng wala sa oras para lumipad nalang at nang makarating na sa room ko. Haysss



Nang matanaw ko na yung university , wala nang paligoy-ligoy at pumara na ako agad sabay abot ng pamasahe.




Nang makapasok na ako sa gate ng university binati ko agad si Manong Guard.

Ngumiti naman ito agad at bumati rin sa akin pabalik " Magandang araw din Hija".




Hanggang ngayon ay nalulula parin ako sa ganda at lawak ng university , ngunit sa katulad kong walang sasakyan ,pahirapan at paramihan ng pawis. Kinakailangan mo kaseng tumakbo sa napakahabang daan para marating lang ang mga buildings ng university, which is naroon din ang mga rooms ng bawat course department.





Lakad takbo na ang ginawa ko para mahabol yung oras. Lunes ngayon at si Ms. Chavez ang unang prof. na papasok sa klase namin at isa lang naman ang ayaw niya sa kanyang klase, iyon ang pagiging late.



PPPPPPPPTTTTTT!!!!!
PPPPPPPPTTTTTT!!!!!
PPPPPPPPTTTTTT!!!!!


Naagaw ang atensyon ko sa malakas at sunod-sunod na pagbusina ng humaharurot na sasakyan.


The VAMPIRE's PLAYBOYOnde histórias criam vida. Descubra agora