Chapter 25

739 23 4
                                    

Calvin's POV

"Tell me Calvin, Do you like her?" lumingon ako sa gilid ko and it's Mae, nagkibit-balikat na lamang ako bilang tugon ko

"I saw you, kanina mo pa tinititigan ang larawan ng babaeng iyan ,not just once pati kanina nung sa pool" napatingin ako sa hawak kong cellphone, napansin nya ata akong nakatingin sa kuha kong larawan ni Xena nung isang araw sa may park na may dumapong paru-paro sa kamay nito, napangiti ako..kinuhanan ko sya ng litrato ng hindi nya napapansin

"See? You're smiling, you're insane Calvin" habol pa nito

Tumayo ako at inilagay ang cellphone ko sa bulsa, lumabas ako para magpahangin sa may veranda...

"Tsk! Silence means yes"  sagot ni Mae na sumunod pala sa'kin na may dalang inuming dugo, iniabot nito sa'kin at agad ko itong kinuha

Tumingala ako sa kalangitan, nagiging kulay itim na naman ang  kalangitan at pulang buwan

"Sigurado ka bang walang mapapahamak? Nasaan yung mga kaibigan nya? Hindi man lang sila nangamba sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya" wika ni Mae na halatang may pangangamba

Sabay kaming napalingon  sa likuran ni Mae ng bumukas ang pinto

Si James na mukhang hindi alam kung anong gagawin

"Bakit ganyan hitsura mo?" bungad na tanong ni Mae

Hindi sinagot ni James ang tanong ni Mae sa halip agad sya nagtungo sa direksyon ko

"What's the plan? Hindi ba natin sya pipigilan?"

"Calm down James, hindi natin sya obligasyon...."tanging sambit ko

Dahil alam ko kahit ako walang makakapigil sa kanya, once na mawala sya sa kanyang sarili kahit sino pwede nyang patayin, hindi nya kontrolado ang kanyang isip at katawan....

Mula rito sa taas ng veranda nakita ko si Xena...

Shit! Why is  she still awake??

" Akala ko ba chineck na ni Kevin yung mga tao?"inis kong usal

"Actually yes Calvin, sinecure namin ni Kevin ang lahat, sinamahan ko pa nga sya sa orasyong gagawin nya ,hindi ko alam kung---" naputol ni James ang sasabihin nya ng magsalita ako

"F*ck!!! I almost forgot that she's different from other humans!!!"usal ko at napatiim bagang

Nakita ko syang natumba kaya tatalon na sana ako mula rito ng hawakan ako ni Mae at James

"Baka pag tinulungan mo sya , madadamay ka at masisira ang plano mo" sabi ni James sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi naikuyom ko nalang ang sarili kong kamao lalo na't ng sipsipin nya ang dugo ng dalaga...

Umalingasaw ang napakasariwang dugo ni Xena...lumabas ang matutulis kong pangil...

Rinig kong napadaing si Mae kaya sinenyasan ko sila na pumasok na sa silid

Dumating na sina Lira at Dimitri para pigilan si Drake kaya hindi nako nagpapigil sa kanila ,tumalon ako at agad ko silang tinungo

"Xena, are you okay? Wake up Xena" hindi ko alam kung bakit nanlambot ako ng nakita kong tumulo ang luha nito, napatiim bagang ako at lumingon sa gawi ni Drake na ngayon ay nagpupumiglas

Walang ano-ano'y sinuntok ko sya ng buong lakas ko total wala sya sa katinuan nya , hindi sya ngayon si Drake, hindi sya makakaramdam ng sakit maliban nalang kung kaharap nya ang aking ama, hindi  kontrolado ni Drake ang kanyang sarili..at tanging ang aking ama lamang ang nakakaalam kung paano makawala sa sumpa si Drake at wala kaming alam dahil hindi ito pinagsasabi ng aking ama, tanging si Genu lamang, ang maitim na salamangkero ang nakakaalam at mahirap itong kalabanin.

The VAMPIRE's PLAYBOYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin