Chapter 26

789 23 3
                                    


4th DAY OF TOUR

Xena's POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, kita kong kulay abo ang kisame, napalingon naman ako sa kanang bahagi ko na makikita mong makakapal na kurtina ang nakaharang sa nakaawang na bintana.

Nanghihina ako at ang sakit ng leeg ko.

Muli kong tiningnan ang kisame at hindi ito ang kwartong tinutulugan ko.

" How's your feeling?"

Awtomatiko akong napalingon sa kaliwang bahagi ng hinihigaan ko at nakita ko si Calvin na nakatitig sa akin habang sandal ng kanyang palad ang kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

Nakangiti ito sa akin kaya agad akong napamulahaan ng mukha, agad akong umupo habang pilit na tinatakpan ang kabuuan ng aking katawan.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" utal kong sabi

Hindi ako nito pinakinggan sa halip mas lumapit ito sa akin at tila ba na sinusuri talaga ako kung ayos lang ba ako or what.

"Actually, this is my room" balewala nitong saad habang nakangiti sa akin

"Your r-room?" pag-uulit ko , tumango ito

Napalunok ako, at tila ba na gulat ako sa sagot nito, the hell!!!

"M-may nangyari ba sa atin?" utal at naluluhang tanong ko

Marahan nyang tinulak ang aking noo gamit ang kanyang hintuturo

" Green-minded ka rin pala" mahinang usal nito and he chuckled

Ako namang tulalang nakatitig sa kanya at tinititigan ko sya kung nagsasabi ba ito ng totoo or hindi but the matter of fact wala naman akong naramdamang masakit sa lower part ko aside sa nanghihinang katawan ko na lalagnatin yata and sa may neck part.

Naguguluhan ako at mas lalo akong naguluhan kung bakit nandito ako.

Umayos ito ng upo sa kama at ako naman ay tumayo na, nag-aalala ako at baka pag-usapan ako ng mga classmates ko and other sections.

"Ba-bakit ako nandito?" tanong kong naguguluhan

" Remember last night?" tumango ako

"Nagkaroon ng kaunting inuman and maybe mahina ang tolerance mo pagdating sa alak, and besides wala namang nangyari sa atin and be thankful at hindi sa ibang room ang napunta mo baka napano ka na" paliwanag nito

"So-sorry" tanging sambit ko, nakakahiya Xena!!!

Pero honestly,ang alam ko nakainom ako ng kaunti ngunit hindi iyon matapang na wine at di ko aakalain na ganun ang tama sa akin na nagkamali ako ng pasok ng ibang room.

At alam ko sa aking sarili na hindi ako lasing pero bakit nakakaramdam na naman ako ng emptiness? Naguguluhan ako.

" Dapat pala ,hindi ako pumayag na magkaroon ng kaunting inuman last night" sabi nito na nakahawak sa baba nito na tila nag-iisip.

Napatitig ako sa kanya ..

Nakita ko na naman ang kanyang kwintas..

*********

Kinakabahan man akong lumabas sa silid ni Calvin at mabuti nalang walang tao sa hallway.

Napatingin ako orasang pambisig ko alas 11 na pala ng umaga malamang nasa baba sila at kumakain. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Agad akong nagtungo sa silid namin at hindi ko mahagilap sila Nicole kaya dahan dahan akong naglalakad papuntang baba kung saan maaaring kumain habang nag-iisip naman ako kung ano ang maaari kong sabihin sa kanila kapag nagkita kami. Malamang magtatanong sila dahil nagising sila na hindi nila ako nakikita.

The VAMPIRE's PLAYBOYWhere stories live. Discover now