Chapter 13

2.1K 100 0
                                    

Someone's POV

"Mahal ko" halos bulong kong saad

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon ng makita ko ang kaisa-isahang babaeng mahal ko na nahihirapan, puno ng pasa ang buo nyang katawan

Napatiim bagang ako at pinipigilang hindi maiyak

"Mahal ko, gising Eliza ,nandito na ako" muling saad ko, unti-unti nya namang binuksan ang kanyang mga mata at ng magtama ang aming mata ay di ko mapigilan ang di magalit sa sarili ko ng makita ko syang umiiyak sa harap ko

"Mahal ko" wika nito na halos nahihirapang magsalita

"Na-nahihirapan na ako dito" dagdag nito, pilit nitong makalapit sa kinaroroonan ko pero bigo ito dahil sa mga mabibigat na posas na nakakabit sa mga kamay nito nilagay ni Ama ito upang di basta makatakas si Eliza sa pesteng kulungan na ito

"Shhh, gagawan ko ng paraan ito, makakaalis ka rin at tatakas tayo "binigyan ko sya ng isang paniguradong ngiti at sinuklian nya naman ito

Papatunayan ko kay Ama na mali ang binibintang nito


"Aasahan kita Mahal ko"

Naramdaman ko na may paparating kaya bago pa nila ako maabutan umalis na ako

Ipaghihiganti kita Mahal ko...

*****

KINABUKASAN...


Xena's POV

"Ahm, Mama eto nga po pala oh, nakuha ko na po ang sahod ko kagabi" sabay abot ko ng pera kay Mama

"Naku anak, pasensya na talaga at nagpapakahirap ka, pwede naman akong magbenta ng ulam ulit o hindi kaya bumalik sa trabaho sa karinderya ng kumare ko, itabi mo nalang iyan" lumapit ako kay Mama saka sya niyakap sa likuran

"Di ba Mama pinag-usapan na natin iyan?? Ayaw kong mapagod ka at magkasakit, at isa pa wala rin kasama si Xyril " paliwanag ko

"Hayaan nyo Mama ,pag nakapagtapos ako ng pag-aaral, maghahanap ako ng maayos na trabaho para hindi tayo mahirapan" sunod kong sabi

Tumango si Mama at ngumiti

"Ah si Xy po nga pala Ma?"

"Sa taas ,natutulog pa, mamayang hapon pa ang klase nun" tumango ako

"mauna na po ako" paalam ko

"sige anak mag-iingat ka "

"Opo Ma"

Minsan hinahatid ko si Xyril sa school nya minsan naman si Mama kapag hindi sya busy

Maglalakad nalang muna ako total maaga pa may isa't kalahating oras pa akong natitira

Mga 30 minutes akong naglakad ng may biglang nagsalita sa may likuran ko

"Seryoso nating maglakad ah?" Lumingon ako

"I -ikaw pala, Calvin" (*>.<*) nahihiyang wika ko

"Naglalakad ka rin pala?" Biglang tanong nya

Kaya tumingin ako sa gawi nya at tumango

"Masyado pa kaseng maaga at mamaya pang 9 yung klase ko" sagot ko

"Eh ikaw? Diba may sasakyan ka?" balik tanong ko sa kanya

"Ah trip ko lang ,hindi sa nagmamayabang pero naiinis kase akong tuwing bababa ako sa kotse puro tili lang yung naririnig ko, nakakarindi rin minsan" biro nito

The VAMPIRE's PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon