Xena's POV
Nang makarating ako sa pinapart time-an kong Coffee Shop agad akong nagpalit ng damit...pagkatapos ay itinali ko ang buhok ko saka inayos ang kaninang suot kong mga damit...naalala ko bigla si Calvin..napapangiti ako...hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko yung imahe nya na bigla itong nag-alala...napatingin ako sa daliri ko...nilagyan nya ito ng bandaged...
Ang bait bait nya talaga...ang swerte talaga ng magiging makakatuluyan niya..
"Oh bakit nakangiti ka dyan bunso??" agad napawi ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang boses ng katrabaho ko na si kuya Brandon
Napalingon ako sa kanya at agad iniligpit ang gamit ko
"W-wala " sabi kong nahihiya
"Asus~ ikaw ha, sino yan??jowa??" inakbayan ako nito bigla at pinamulahan ng pisngi
"W-wala naman akong jowa kuya Brandon eh" sabi ko
Tumawa ito sabay gulo ng buhok ko, nagkalat tuloy yung buhok ko na kanina lang inayos ko ,napasimangot naman ako
"Kuya Brandon naman eh" reklamo ko
"Huwag mo nga yang ginugulo ang buhok ni Xena Brandon ,kakaayos lang niya yan" wika ni Ate Joan na nakangiti
"Halina nga kayo at magtrabaho na tayo, maraming customer sa labas" pahabol nito saka lumabas ng locker room, sumunod naman kami ni Kuya Brandon
Limang crew lang sa gabi ang nagtatrabaho dito sa umaga naman anim apat sa kanila ay babae dalawa ang lalake, mas marami sa umaga ang babae kase natatakot sila sa panggabi na shift habang sa amin dalawa kaming babae at tatlong lalake minsan naman tumutulong ang may ari ng Coffe Shop dito kapag hindi ito busy
"Miss" tinungo ko ang gawi ni customer at kinuha ang additional order nito...habang sinusulat ko yung additional orders nila napansin ko sa entrance na may pumasok na dalawang pamilyar na babae, ngumiti ang isa, ang isa naman ay kumaway pa...
"Copy Sir, kindly wait for a minute Sir" saad ko sa customer at ngumiti bago tumungo na sa counter na sa kasalukuyan ay naka-upo sa isa sa mga stool malapit sa counter ang nasabing dalawang babae
Hindi na naman nila ako lulubayan nito at alam na alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiti at tingin nila
"Hi beshie" unang bati ni Nicole
Tumango naman ako bilang sagot, sinulyapan ko si Cheska, ngumiti ito saglit sa akin at nakatuon ang tingin nito sa Counter....
Napapailing ako...
Ibinigay ko na ang listahan kay Sir Leo na syang may-ari ng Coffee Shop...
Nagpapasalamat parin ako dahil kay Cheska may pagkikitaan ako ng pera kahit papaano tinulungan nya kase akong makapasok dito dahil boyfriend nya si Sir Leo, nakiusap sya ,mabait naman si Sir kaya pumayag rin naman.. Nahihiya man ako tinanggap ko narin kase kahit part time ko lang ito , kahit ilang oras lang ang pagtatrabahunan ko rito .malaking tulong na ito para sa aking pamilya may pagtyatyagaan kami na gastusin araw-araw
Habang hinihintay ko ang order na inasikaso naman nila Ate Joan pumunta ako saglit kina Cheska
"Kamusta?" bungad agad sa akin ni Cheska
Ngumiti ako at pinamulahan ng pisngi nang maalala ko na naman ang ginawang panggagamot nito sa akin
"Ayos lang naman" yumuko ako at inaalog nila ako, pinipilit ikwento ...
"Okay na Xena" kinuha ko yung order ni customer at dinala ito sa table nila tapos nung wala naman ring gagawin nagpaalam lang ako saglit kay Sir para bumalik kina Cheska
YOU ARE READING
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...