Xena's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata
Teka nasaan ba ako?
Napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko
Ano bang nangyari?, pinalibot ko ang paningin ko, this is not my room...halos puti ang nasa paligid, nahinto ako sa pagtingin sa palibot ng makita ko si Cheska sa sofa na naka-upo ,busy sa pagkulikot ng kanyang cellphone
Nang mapansin nya ako agad naman itong nagtungo sa gawi ko
"Besh! Naku! Salamat naman at nagising kana:) Nicole, gising na si Xena" rinig kong tawag ni Cheska na nasa gilid ng kamang hinihigaan ko, teka ba't ba ako nakahiga rito?
Agad naman iniluwa sa pinto si Nicole na sa tyanta ko ay kakagaling lang ng cr
Arrrghhh, ang sakit talaga ng ulo ko, dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko
Agad naman nila akong inalalayan para makaupo ng maayos pero ng makaupo na ako ng maayos ngiting mapang-asar naman ang agad kong nasilayan sa mga labi nito, naka kunot noong napatingin ako sa kanila
"Ikaw ha~~~" tuyang saad sakin ni Nicole habang sinusundot ako sa tagiliran
Napapa-iwas naman ako sa ginagawa nya ,napatingin ako kay Cheska na nakangiti ring nakatitig sakin, ano bang ginagawa nila??
"Teka, anong bang ginagawa ko dito?" tanong ko out of curiosity, nagkatinginan naman silang dalawa
"Nasa clinic tayo besh!, eh kase naman bigla bigla ka nalang nawalan ng malay " saad ni Nicole
"Ha? Ako ?nawalan ng malay? Saan??" tumango naman sila
"Saan ka ba nagpupunta? Alam mo bang pinag-alala mo kami kanina?, hinanap kapa namin dahil mag uumpisa na yung klase "Cheska
"Pasensya na di'ko maalala yung nangyari , anong oras na ba??tara na male-late na tayo"wika ko
"Weh? Talaga di mo naalala?" Cheska
"Amnesia lang ang peg besh?" Binatukan ko nga, pilosopa pa eh
"Sinabi na ngang hindi eh "
Nagkatinginan naman silang dalawa na tila ba di naniniwala sa mga pinagsasabi ko, haler! Ano ba talagang nangyari??
"tara na nga" pag-iiba ko ng kwento
Naguguluhan ako, ako nahimatay ng di ko alam ang nangyari???
Sumasakit ulo ko sa kakaisip...
"Eh kakatapos lang ng klase besh eh, pinuntahan ka lang namin dito para sunduin na"
" Ha?? ganun ba??,
Teka kayo ba ang nagdala sakin dito sa clinic?"
" hindi ah yung Mr.pogi na tranferee besh, ikaw ha.."Nicole
"Ha? Seryoso?tsk...huwag nyo nga akong niloloko dyan" dahan-dahan akong tumayo ng namalayan kong may takip na benda yung tuhod ko
"Oo naman , kung dika naniniwala samin sa kanya ka mismo magtanong"
Bakit ako may benda???wala akong maalala na nasugatan ako
Umiling ako at tumayo ng maayos..
"May sinabi ba sya sa inyo bakit ako nawalan ng malay??"tanong ko na nagdududa...parang may mali eh, may mga katanungan ako sa utak ko ngunit hindi ko alam kung paano ito uumpisahan
"Wala eh, pero ang sabi ng nurse nakita ka lang daw ni Drake na walang malay and the rest di na namin alam, hindi rin namin alam kung saan mo nakuha yung sugat mo besh"Cheska
![](https://img.wattpad.com/cover/62069048-288-k208324.jpg)
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...