Chapter 30

524 15 12
                                    



Xena's POV

"W-who are you?" tanong ng isang babae na halatang gulat na gulat

"A-ah a-ano ---" nauutal na sabi ko, hindi ko parin maabsorb yung nakita kong simbolo ng mga uniporme nila, katulad na katulad talaga sa akin, I mean sa simbolong nakatatak sa uniporme ko...ang ipinagkaiba nga lang ay yung kulay ng mga suot namin, kulay puti ang sa kanila at yung akin naman ay may kaunting kulay puti ngunit mas na nanaig na kulay ang kulay na itim

"I said who are you?" tanong nitong muli

Napapalunok ako ng makailang beses sa mga matatalim nilang titig na akala mo eh may ginawa akong krimen

I mentally shooked my head....napatingin akong muli sa burdang suot nitong uniporme

'Magkapareho ba kami ng university?' tanong ng kabilang isip ko

Imposible namang schoolmate ko sya eh hindi naman puti ang uniporme namin

Nanaginip ba ako??? Bukod kase sa taglay nilang kagandahan napansin ko ang kulay ng balat nila, maputlang maputla ..oo kahit medyo madilim dito naaaninagan ko parin sila dahil sa liwanag ng buwan....

Ang kulay ng balat nila.....biglang pumasok sa isipan ko si Drake..

Hindi kaya isa sila sa mga bampi..naputol ako sa aking pag-iisip ng magsalita ang kasama nitong babae...

"Miss , sino ka?? Paano ka nakapasok sa university namin?"

"A-ano?? U-university nyo ?" Tama ba ako ng rinig??

"Narinig mo naman siguro miss, diba?"pataray na sabi naman ng isa

So ibig sabihin dito rin sila nag-aaral....ngayon ko lang ito nalaman pero papaano?? kaya ba mahigpit na pinagbabawal ng university na ito ang maabutan ng gabi ang mga estudyante dito dahil may mga night shift rin na pumapasok dito bukod sa amin?? At yung mas malala pa eh mga nilalang na may ibang katangian..At k-kung hindi ako nagkakamali...i-ibig sabihin...

Napasinghap ako sa naisip ko, kailangan ko ng makaalis dito...

"Si-sige, kailangan ko ng umalis---" paalam ko sa kanila at pilit na ngumiti para hindi nila mahalata na kinakabahan na ako ng sobra

"Teka miss, morning class ka diba?"
Tanong nila pero di na akong nag abalang lingunin silang muli

Narinig ko pa nga ang mga sinabi nila na nagpatindig lalo ng balahibo ko sa katawan

"Is she a human? Right Glenda?"

Halos lakad takbo na ang ginawa ko para makaalis sa lugar na ito , b-ba't na tanong ng isang iyon kung tao ba ako o hindi??? Balak nya ba akong kagatin???

Mygoodness gusto ko pang mabuhay...

Huminto ako saglit sa may tagong lugar at dahan dahang lumingon....

Peww!! Natakasan ko sila ...

Hindi ko aakalain na sa pagharap kong muli ay nasa harapan ko na sila ...at sa sobrang gulat ko agad akong napasigaw...

"AAAHHHH--hmmmp" sigaw ko na agad namang tinakpan ng isa ang bibig ko at sinandal sa wall...

"What the f*ck, low down your voice" nagpupumilit parin akong makawala sa pagkakatakip nya ng bibig ko ,sino ba namang hindi matatakot eh naging kulay pula ang mga mata nito....m-may pangil rin sya...tama nga hindi ako nagkakamali ...totoo talaga ang mga bampira...

Pilit kong tinatanggal ang mga kamay nito pero ang lakas nya para sa ordinaryong tao na katulad ko

Dahan dahan nitong hinawi ang buhok ng humaharang sa may bandang leegan ko

The VAMPIRE's PLAYBOYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें