Xena's POV
"AAAHHHHH!!!!" Halos hindi ako magkandaugaga sa pagtakbo para lang mapalayo sa lalaking nakakakilabot ang anyo..
Halos ata ng lakas ko binigay ko na sa pagtakbo para lang makalayo mula sa kanya
Isa syang....
bampira..
Tama sila Nicole, kagagawan ng bampira ang pumapatay sa mga biktima
"TULOOONNGGG!!!!" sumigaw ako hangga't sa makakaya ko habang tumatakbo sa hallway...kailangang malaman nila na bampira ang may kagagawan nito, kailangang mahuli ang nilalang na ito
"At sa tingin mo san ka pupunta??HAHAHA!!!" saad nito habang relax lang na naglalakad, sinusundan ako kung saan man ako tumatakbo
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nadapa ako
"Aray" daing ko ng madapa ako sa pagtakbo ko dahil na rin sa kaba
Pinilit kong tumayo pero biglang kumirot yung sugat ko sa may bandang tuhod ko
Napakagat ako sa labi, kailangan kong mag-isip ng paraan, nagpalinga-linga ako, may nakita akong bukas na pinto , ilang hakbang lang at makakapunta ako sa pintong iyon
"Wag ka ng magsayang ng pagod miss"
Nilingon ko sya at nakakatakot yung itsura nya, isa syang halimaw
Pula ang kanyang mga mata, may matutulis na pangil at may mahahaba na kuko, may bahid rin na dugo sa kanyang bibig at damit
Pinilit kong makatayo, naglakad ako patungo sa isang bakanteng room ,inilock ko agad yung pinto
Sumipol ito at kumatok sa pinto, napaatras ako sa takot na mabuksan nya iyon, sunod-sunod ang luhang pumatak sa magkabilang pisngi ko, nanginginig sa takot na baka ako rin ay mapatay rin
"Buksan mo ito miss, huwag kang matakot sa akin" sabay tawa nito , hinayaan ko syang kumatok at di ko sya pinagbuksan ng pinto
"Tama na please" mahinang usal ko habang humihikbi
Lalo lang itong lumakas at pagkalampag ng pinto sa pagkatok nya, tinakpan ko ang magkabilang tenga ko
"T-tama na please" usal kong muli sa gitna ng paghikbi ko
Nang tuluyan nya itong nabuksan dahil sa pagsipa ng pinto halos nabuhusan ako ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw, nanginginig ang tuhod ko
"Why are you crying ?? Are you scared now ?? Miss?" wika nito habang ngumingisi, humakbang ito palapit sa akin
"B-bakit mo sya pinatay? Wag mong sabihin ikaw ang pumapatay sa mga estudyante dito??" Lakas loob kong tanong sa kanya
Nakita nya ang sugatan kong tuhod
"Ugh!,ang dugo mo , naiiba ka sa kanila " nagtiim bagang sya, nakita ko rin syang napahawak sa may bandang puso nya ni hindi nya sinagot ang tanong ko
"Huwag kang lalapit" sigaw ko ng sinubulan nyang humakbang papalapit sa akin, napaatras ako sa isang silya , lumingon ako at nakita ko ang isang bakal
"Ows?? At bakot naman hindi pwede miss??" Taas kilay nya akong tiningnan, lumapit parin ito
Kinuha ko ang bakal at pumwesto ako para matakot ito ngunit tumawa lang ito
"Tingin mo masasaktan ako dyan??"
Lumunok ako, "sinabi ng huwag kang lumapit eh" hinampas ko ito ng buong lakas sa may bandang ulo ngunit napalingon lang ito ng kaunti sa impact, natakot ako ng humarap ito sa akin, at yung bakal na hawak ko ay bumaluktot lamang iyon...
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...