Chapter 11

2.2K 104 2
                                    

Xena's POV

Nag-usap lang kami ni Calvin saglit ...hindi ko na rin sinabi sa kanya na dahil sa akin kaya kami napalabas sa klase, nakakahiya ::>_<::

Lagi nalang wrong timing tuwing nagkikita kami...

*sighed*

"Calvin, tara na" napatingin kami sa direksyon nila James na may bitbit silang dalawang box, binalik ko ang tingin kay Calvin at kahit mukhang pagod at haggard ito mas lalo syang naging gwapo sa paningin ko

Tumango ito sabay senyas na susunod ito, tumingin sya sa akin at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri nito

"Ah sige Xena mauna na ako, nandoon na si Mae " Mae? hinanap ng mata ko si Mae, at nila-lock nito ang pinto, stock iyon ng mga gamit ng school at iba pa

Napatingin sya sa gawi namin at nagtagpo ang kanyang mga kilay

Yumuko ako ,nabigla naman ako ng bigla nya nalang akong ini-pat ang ulo ko dahilan para mag-init ang magkabilang pisngi ko



Tumango ako bilang sagot at pilit na ngumiti..

Sinundan ko nalang sya ng tingin ,tinulungan niya ang kasamahan nya sa pagbubuhat hanggang sa makaalis na sila ng kasamahan nya

"Napapadalas na ata ang pag-pansin nya sakin??" bulong ko sa sarili ko

Saka ko lang napagtanto na wala na yung kasama ko
"Teka, nasaan na yung kasama ko?" takang tanong ko sa sarili, napakamot nalang ako sa kilay, kanina nandito naman yung mokong na iyon ah, ang bastos nya talaga di man lang nagpaalam kung saan sya pupunta,nagpalinga-linga pa ako baka nasa tabi-tabi lang sya

Ang boring panaman , wala akong kasama at makakausap

Di bale hahanapin ko nalang sya at siguro sa pagkakataon na ito, galit na talaga iyon sa akin

Ewan ko ba at pinakealaman ko pa sya.
Mabuti nalang at pinalabas lang kami wala ng iba haist!!. >3<

Makalipas ang ilang minuto hindi ko parin mahagilap si Drake

Medyo malayo na ako sa campus sa kakahanap sa kanya

Napahinto ako sa paglalakad, teka bakit ko nga ba sya hinahanap??

Isa lang ang sagot ko....wala akong mapagtripan hahaha!!! Parang ang sarap nyang makitang mapikon. At isa pa ang ikli nya kung magsalita kaya gusto ko syang kausapin at kulitin eh kase sa tingin ko napaparami ang binibigkas nyang salita.

Nakasalubong ko si Athena, namumutla at nakabukas ang dalawang botones sa suot nyang uniporme

May sakit ba sya??

Lumabas ba sya?? Saan kaya sya pumunta, kanina naman eh nasa loob sya ng classroom eh...

Pero teka, kung lumabas sya para pumunta ng C.r , hindi naman ang daan dito eh..

Eh saan sya pumunta??

Nagkibit balikat ako...

*sighed*

Mukhang hindi nya ako napansin eh, kala ko magbabangayan na naman kami...

*yawn*

Inaantok na ako, tatambay muna ako sa dating tambayan ko at babawiin ang kulang kong tulog...


***

Naningkit ang mga mata ko ng makita ko syang nakahiga at may nakapatong na libro sa kanyang mukha

"Aba't dito ko rin pala sya makikita"

Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon nya at kukunin yung naka cover na libro sa mukha nya

The VAMPIRE's PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon