Xena's POV
Araw ng linggo ngayon kaya kasalukuyan kaming nasa park ng kapatid ko, yung mga sugat kong nakuha ay magaling na ngayon...sana naman wala ng susunod pa dun, nahihirapan akong magtago ng sekreto kay mama at hindi ako sanay...
Naupo lang ako sa isa sa mga benches dito sa park at masayang tumitingin sa mga batang naglalaro
Si Xy na masayang tumatakbo kasama ang kanyang mga kalaro...napabuntong hininga ako..
8 taong gulang pa si Xy at naulila na sya, lumaking hindi nakikita si Papa ni hindi nya itong nakapiling...
Huminto ito sa pagtakbo at kumaway sa direksyon ko, kumaway naman ako pabalik at ngumiti
*sighed*
Biglang pumasok sa isip ko yung tungkol sa panaginip ko kagabi
Anong klaseng panaginip ba iyon? nakakakilabot sa tuwing naaalala ko na may kung anong kumagat sa leeg ko tumatayo talaga yung balahibo ko
Marahan kong hinaplos ang leeg ko, hindi na rin ito sumasakit tulad kahapon at nung lumipas na mga araw
Umiling ako para maliwanagan, kwento kase ng kwento sila Nicole tungkol sa mga Vampire Creatures kaya parang naprapraning tuloy ako pati ultimo sa panaginip ko napapaginipan ko na ang mga walang katotohanan at gawa ng imahinasyon...
Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito
And speaking of Nicole, nagtext sya sa akin
Nicole ;
'Napanood mo na ba?'
Yung totoo wala naman akong balak panoorin yung hiniram kong CD..but knowing of my two bestfriends kukulitin nila ako about nito...::>_<::
Ako;
'Mamaya' tanging reply ko
Binalik ko yung cellphone sa suot kong pantalon
Pinagmasdan ko ulit yung kapatid kong naglalaro
Hinawakan ko muli ang leeg ko, simula nung nangyari ang panaginip ko kagabi, paggising ko ramdam ko agad na maayos at magaan ang pakiramdam ko, nawala rin bigla yung dalawang markang naiwan sa leeg ko , hanggang ngayon laking palaisipan parin sa akin ang nangyayari sa akin ngayon
Nakaramdam ako na may nakatitig sa akin kaya luminga ako sa paligid pero wala naman akong nakita, busy rin ang mga taong nasa park at may kanya-kanyang mundo na ginagawa
Nabalik ako sa realidad ng may kumalabit sa binti ko since nakaupo ako
Nagulat ako ng nasa harap ko na yung kapatid ko at mukhang nag-aalala, hinawakan ko ang dalawang pisngi nya
"Ah Xy, may problema ba?"tanong ko, umiling naman ito
"Ayos lang po ba kayo?" tanong nito
"Bakit mo naman naitanong iyan? Syempre ayos lang ako" sabi ko saka ngumiti, tapos pinunasan ko yung pawis nya ,umupo naman ito sa tabi ko pagkatapos ng ginawa ko
"ayaw mo na bang makipaglaro sa mga kaibigan mo?" saad ko,tumango naman ito
"Ate ,gusto ko ng ice cream" tinuro nya si Manong na nagbebenta ng ice cream at may bumibili na mga bata sa gawi na iyon
Tumayo ako "Tara" saka ko sya hinawakan sa kamay
Drake's POV
Mula sa malayo binabantayan ko na si Xena at ang kanyang pamilya..
ESTÁS LEYENDO
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampiroSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...