Xena's POVNagising ako bigla mula sa mahimbing kong pagtulog , bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw..
Tumayo ako sa kama at binuksan ang ilaw, since may tubig akong tumbler na nasa maliit kong mesa ,hindi ko na kinakailangan pang bumaba para kumuha ng isang basong tubig ...sobrang nauuhaw ako at naiinitan
Napatingin ako sa maliit na orasan ko na nakapatong sa mesa rin
Alas 3 na ng madaling araw, nang papatayin ko na sana yung ilaw bigla nalang akong napatingin sa nakabukas kong bintana dahilan para pumasok ang malamig na hangin...
Hindi ko ba ito naisarado bago natulog??
Nagtungo ako rito para isarado ito
umaambon sa labas , malamig ang simoy ng hangin pero hindi ako nilalamigan, mainit ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko nalang ito pinansin pa
Pagkatapos, pinatay ko na yung ilaw, saka napahikab habang papuntang kama ko, may ilang oras pa ako para makaidlip ulit...
.....
...
..
"Anak, Xena, malalate kana, di ka ba papasok?" dinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng pinto
..
"Xena, anak bangon na"sambit nitong muli
Pilit kong binuksan ang aking mga mata kahit ramdam ko ang bigat ng talukap nito...
"Xena, bangon na" rinig kong sambit nito
Lumingon ako ng bahagya sa maliit kong mesa para tingnan kung ano ng oras, alas 6 na pala ng umaga
"Opo, babangon na" sagot kong tamad bumangon
Ang bigat ng katawan ko, idinapo ko ang likod ng palad ko sa aking noo upang pakiramdaman ang sarili ko
May lagnat ako at masama ang pakiramdam ko
Umupo ako sa kama at sumandal sa headrest nito, nagising ako kanina hindi naman masama yung pakiramdam ko...
*sighed*
Iinom nalang ako ng gamot mamaya para hindi ito lumala
Tumayo na ako saka bumaba para maligo
Naghilamos ako at napatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin, napahawak ako sa gilid ng labi ko, ang hapdi tsk! may kaunting sugat ako nakuha mula sa pagsampal ni Athena kahapon sana nga lang hindi ito makita ni mama kundi tuluyan na talaga kami luluwas sa lugar na ito, naghilamos akong muli at agad rin iyon nadapo ang paningin ko sa may bandang leegan ko
"Ano to?" hinawakan ko ang dalawang pulang tuldok na nasa parteng leeg ko, pilit kong inalala ang nangyari kagabi kung saan mang lupalop ko na naman nakuha to ng di ko na naman maalala ang nakuhang markang ito maliban nung naabutan ako ng ulan sa daan kagabi kaya siguro nilagnat ako ngayon...pagkatapos ,wala na akong sunod maalala...
****
"Ang tamlay mo ata anak, sigurado ka bang papasok ka?"
"Opo mama, exam po namin ngayon kaya kailangan kong pumasok" iniiwasan ko talaga na magkaroon ng pagkakataon si mama na titigan ang mukha ko
pansin kong tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain pero bakas parin sa mga mukha ni mama ang pag-alala
"Uminom ka ng gamot bago ka umalis ng bahay ha, para hindi lumala 'yan, anak" tumango ako at patuloy na kumakin, mabuti nalang at mahaba ang manggas ng uniform namin kaya di rin halata, nung nakalmot lase ako ni Athena wash day namin iyon kaya nakita agad ni Drake . Ano na kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Napaisip ako sandali ngunit umiling iling ako para mawala sya sa isip ko..inuuna nya pang makipagdate kesa tumulong kahapon eh kasalanan naman nya in the first place kung bakit namin kakailanganin naming gawin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/62069048-288-k208324.jpg)
YOU ARE READING
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...