Xena's POV
Nakahalumbaba lang ako sa mesa habang tinatanaw ang labas ng bintana
Ang boring naman+_+
Wala kaming klase , ang iingay rin naman ng mga kaklase ko dito at busy sila sa kakadisenyo ng room namin yes po, isa sa napili yung room namin...at wala akong ganang tumulong ngayon
*sighed*
Napa-upo ako ng diretso ng mahagilap ng mata ko si Drake sa baba mula rito sa bintana
May kung anong bagay sya dinukot sa kanyang bulsa
Ano kaya yung ininom nya?
Hanggang ngayon isang misteryosong tao parin ang tingin ko kay Drake, tahimik ito at gusto laging mapag-isa
Bigla naman syang tumingala sa gawi ko kaya nagtama ang aming mga mata
Umiwas ako ng tingin
Naalala ko yung nangyari kahapon, natatakot ako sa kanya but at the same time nakakainis rin sya, ayaw niyang tinutulungan sya..tsk...
Matapos nya akong sigawan humingi sya agad ng tawad nung na realized nya ang kanyang ginawa , pagkatapos nun dali dali na syang umalis at iniwan akong tulalang nakatingin sa kanyang hanggang sa mawala na sya sa paningin ko..
ang gulo nya talaga...
May kutob ako na may kung anong tinatago si Drake at yun ang gusto kong malaman
***
CAFETERIA...
Inilapag namin ang tray na may dalang order sa napiling table namin
"Kwento na" Nicole
Nagtatakang tiningnan ko sya sa mga mata
"Ha? Ano naman ikwkwento ko ?.."
Umupo ako at nagsimulang kumain
"Kailan pa kayo naging close ni transferee guy?" nangungusisang saad ni Cheska bigla naman akong nabilaukan at agad na uminom ng tubig
Ano ba to?para namang tutustahin nila ako sa tanong nila eh...
"Ano bang pinagsasabi nyo dyan?" sabi ko nalang
"Alam mo bang pinagchichismisan ka ng mga babaeng estudyante?" Nicole
"Totoo?" inosenteng tanong ko, bakit naman kaya?
"Bakit daw?" tanong kong muli
"May nakakita raw sa inyo nung nakaraang araw , yung pinalabas kayo ng sabay ni Drake..."Cheska
Tumigil ako sa pagsubo...at hinintay ang sunod na sasabihin nila
"Tapos, ang sabi nila , inaakit mo raw silang dalawa, si Calvin at Drake?"
"Ha?magkaibigan lang naman kami ni Drake atsaka hindi mo nga yun makausap ng maayos eh..."walang ganang sagot ko at isa pa, kailan ba kami naging magkaibigan ni Drake? Eh hindi nga kami nagkakausap ng matino tsk!
"Si Calvin naman , talagang friendly iyong tao na iyon ...kayo ba hindi nya pinapansin?" tanong ko
"Sabagay, kaya nga itong si Nicole kaninang umaga pinatulan pa si Athena eh" Cheska, napatingin ako kay Nicole..."totoo ba iyon?? Bakit naman pumatol ka sa kanya Besh? Nasaktan ka ba?" alalang tanong ko sabay sinuri yung mukha nya at mga braso
Umiling ito"hindi naman kami sa puntong naghilaan ng buhok besh, pinatulan ko lang yung mga sinabi nya laban sayo, eh talagang inggit na inggit lang sya sa iyo eh tsk" sabi nitong nanggigil parin
![](https://img.wattpad.com/cover/62069048-288-k208324.jpg)
YOU ARE READING
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...