Chapter 24

722 25 2
                                    


Dedicated to:@ladyZyrah salamat sa likes and comment...I really appreciate it..lovelots♥♥♥

Happy reading mga readers!!!
Hope you like it.. ツ

****

Xena's POV

Matapos ang ginawang eksena nila Calvin at Drake nagsimula muli ang malalakas na tugtog at halos lahat sumasayaw maliban sa akin

Kasalukuyan akong naupo dito sa isa sa mga benches ng pool at nanonood lang sa kanila nang mahagip ng mata ko kung saan naroon sina Drake at Dimitri na may kasamang girl na kung hindi ako nagkakamali Lira ang pangalan, mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan nila...

Hinigop ko ang natitirang lemon juice ko sa baso habang nakatingin lang sa kanila

May kung anong  inabot na naman si Lira kay Drake na isang maliit na lalagyan na agad itong itinago sa suot nyang short..

Ano kaya iyon??

Kung hindi ko lang talaga alam na magkaibigan lang sila ay iisipin kong magkasintahan silang dalawa

Biglang bumaba ang tingin ko sa katawan ni Drake, hindi parin ito nagsusuot ng damit at nakapatong lang ang tuwalya sa balikat nito, yung sugat nya ...naalala ko yung paghahampas na ginawad ko sa kanya, hindi ito nagreklamo, hindi rin nya ako pinagsabihan, nakokonsensya ako...sa sobrang napakatahimik nya, hindi man lang nagreklamo kahit kaunti, hindi ko tuloy alam na may sugat pala sya ...nasasaktan na nga, hindi pa nagsasalita....tsk...anong klaseng tao ba sya?

Saan ka nya nakuha ang sugat na iyon?

Biglang napatingin sa direksyon ko si Drake kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko...bigla akong nag-iwas ng tingin at napalunok

Mygoodness! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya...baka sabihin nyang nahuhumaling ako sa 6pack abs nya...O_o

Teka ,bakit alam kong anim iyon? .umiling iling ako....::>_<::

Binaling ko nalang ang direksyon ko sa iba pero wrong turn ako at ang sama ng tingin ni Athena sa akin...

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa -_-!

Sumenyas sya sa mga kasamahan nito kaya sabay silang napatingin sa gawi ko

Ngumisi si Athena na tila ba nasisiyahan sa mga sinasabi ng katabi nito

Napapailing nalang ako sa isip ko, kaya minabuti kong ibalik ang tingin ko sa gitna ng pool kung saan naroon sina Nicole at Cheska na nagsisiyahan kaysa naman problemahin ko sila Athena

Ang kaso itong Athena na ito, kahit anong iwas ang gawin ko, lumalapit parin ito sa akin na parang buntot ko at hindi makokompleto ang araw nito kapag hindi nya masisira ang araw ko -_-!

"Hey Manang!" tawag nito pero hindi ako lumingon..

Hindi naman ako Manang at lalong hindi Manang ang pangalan ko...-_-#

Tumayo ako at akmang aalis na pero hinawakan nya ang likod ng braso ko

Kuno't noo ko itong nilingon..

"Ano bang problema mo?" walang emosyon kong tanong...

"Ikaw, ikaw ang problema ko..."sagot nito kaya mas lalong kumuno't ang noo ko

Sa pagkakaalam ko wala akong nagawang kasalanan sa kanya?? Tsk..!
Ano na naman kaya ang nakain nito??tsk..

"Saan kayo pumunta ni Calvin?" Malakuryosidad nitong tanong

Binawi ko ang braso ko sa kanya at napabugha ng hangin "wala ka na doon" sabi ko, wala naman talaga na syang karapatan kay Calvin dahil mismo si Calvin na ang nagsabi na matagal na silang wala...and does she forgot that he has DRAKE?!!..psh!

The VAMPIRE's PLAYBOYМесто, где живут истории. Откройте их для себя