Xena's POV
"Sweetheart" naramdaman ko ang malamig na bagay na humaplos sa pisngi ko
"Xena" muling bulong nito sa'kin
isang boses lalake , isang napakalambing ngunit mapag-utos na tinig nito
Mga ilang segundo at naramdaman ko ang paggalaw ng kamang hinihigaan ko ,hinalikan nya ako sa noo ,gusto kong idilat ang mga mata ko para malaman kung sinong humalik sa'kin pero bigo ako dahil sa bigat ng mga talukap ko
Mabigat ang katawan ko ni hindi ko ito maigalaw
Ano bang nangyayari sa'kin??
Sunod nya namang hinaplos ako sa may bandang leeg,
Wala akong ibang ginawa kundi ang pakiramdaman ang nasa paligid ko
"Blood"bulong nito sa bandang tenga ko dahilan para mangindig ang balahibo ko sa katawan
Dugo??
Anong ibig nyang sabihin??
Pilit kong minulat ang mga nakasarang mga mata ko
Halos di ako makagalaw
Mula sa labas ng bintanang nakabukas ramdam ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa balat ko, naaaniwanagan ko rin ang kulay pulang buwan kahit nanlalabo pa ang mga mata ko
Unti-unti akong humarap sa nasabing lalake at laking takot ko ng makita ang pulang mga mata nito , ang mahahaba at matutulis nyang pangil
Bago pa ako tuluyang makatayo sa kamang hinihigaan ko agad itong dumagan sa'kin
"You are mine, Xena, mine alone" dagdag nito at agad nya akong kinagat sa leeg na tila bang bigla ito naging isang halimaw
"Kyaaaaaaaahhhh!!!!" sigaw ko
"Xena"
"Beshie, gising besh, binabangungot ka"
"Besh ,uy gising" pag-aalog nito sa'kin
Naramdaman ko naman ang mahinang pagtapik sa may bandang pisngi ko
"Beshie--"napabalikwas ako ng upo
Pinakiramdaman ko ang puso ko at sobrang lakas ng kabog nito na halos lumabas na sa dibdib ko
Nanginginig pa rin ako sa kaba at pinagpapawisan ng malamig
Bumungad sa'kin ang dalawang mukha ng mga kaibigan ko
Batid sa kanila ang pag-alala
"Ayos ka lang ba besh?" tanong agad nilang dalawa
Pilit akong ngumiti at tumango
Pinagpapawisan ako ng husto
Pasimple akong napatingin sa paligid ko at lahat ng mga kablockmates ko ay sa akin ang tingin
~>_<~
Napayuko ako dahil sa kahihiyan
Ano ba Xena??nakakahiya yung ginawa mong pagsigaw ,sigaw ng utak ko
Nasa loob pala ako ng room ,buti nalang at walang professor..nakaidlip pala ako saglit!!!
Napalingon ako sa katabing silya ko ng marinig ko syang mag salita
"Tsk! Crazy" bulong nito ngunit rinig ko paring sabi nya
Nakakainis!kung bubulong lang eh maririnig ko pa psh!
![](https://img.wattpad.com/cover/62069048-288-k208324.jpg)
YOU ARE READING
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...