Chapter 28

692 18 3
                                    


A/N: sorry for the long wait readers!!
Lovelots♥


Drake's POV


Kailan kaya sya magigising ?


Hindi ko rin alam, baka malakas yung pagtama ng bakal sa kanya..


Napakuno't noo ako sa mga boses na naririnig ko


Mabuti nalang at tinulungan nya tayo..

Sigurado ka bang tulong iyon?? Eh baka naman may pinaplano yung ungas na iyon...

Tsk!!




Teka! Nasaan ba ako?? Wala ba ako sa mismo kong silid at naririnig ko ang bangayan ng magkapatid?


Hoy! Dimitri ,hindi 'yan para sa'yo, para yan kay Drake


Eh , Ate naman, wala pa syang malay, mabubulok lang itong mga prutas sa kakahintay sa kanya


Ako ba tinutukoy nila na walang malay??


Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko ng malaman kong tama yung hinala ko


Kahit na---nahinto sa pagsasalita si Lira ng mapadako ang tingin nito sa direksyon ko na tila ba gulat na gulat na makita ako kahit si Dimitri ng sinundan nya ang tingin ni Lira ganoong reaksyon rin ang binigay sa akin



"kamaha-- D-Drake!!" agad na sabi ni Lira ng makalapit ito sa akin tama nga ako ng hinala , nandito sila kasama ko ,mabuti naman at tinawag nya na ako sa mismo kong pangalan



"Ayos lang po ba kayo?"


"Wala bang masakit sa'yo Drake?"


Kuno't noo ko silang tiningnan, ano bang nangyari? Napahawak ako bigla sa batok ko ng makaramdam ako ng konting kirot



"What happened?" umpisa ko sa kanila na nagpatahimik sa kanila, nagsi-iwasan naman sila ng tingin, tsk! Patunay na walang gustong sumagot



"And why I am here?"agad kong pinasadahan ng tingin ang paligid ng mapansin kong wala ako sa sarili kong tinitirhan pero hindi rin ito nagtagal ng ibalik ko ang tingin sa kanilang dalawa, hinihintay yung sagot nila



"Ah, ahmm, ano kase" napansin kong bahagyang siniko ni Dimitri si Lira kaya napabuntong hininga na lamang ako


Hindi kaya, naging agresibo na naman ang pagiging bampira ko??



Tanong ko sa sarili ko, alam ko na yung mga ganitong eksena , kahit pa na hindi nila sinasabi, ang pinagtataka ko lamang eh kung paano nila ako pinapatahan sa pagiging agrisibo ko na makainom ng kakaibang dugo



Agad kong naalala yung tour namin, at si..


Xena...sabi ng isip ko


"M-may nasaktan ba? " tanong ko sa kanila habang marahan na umupo sa kamang hinihigaan ko, napahawak ako sa may bandang tyan ko ng hindi ko na maramdaman ang sugat ko, bigla itong naghilom...







"Wala naman pong nasaktan , pero mukhang may isa tayong problema"




Agad akong napatingin kay lira sa sinabi nito



"What is it ?" Curious kong tanong


"Mukhang nakalimutan ata ni Lira na gamitan si Xena ng mahika nito" paliwanag ni Dimitri


The VAMPIRE's PLAYBOYWhere stories live. Discover now