Xena's POV
3rd day of tour ( 1:23 pm)
Kakatapos lang naming kumain at pansamantalang nagpapahinga kami dito sa silid habang ang iba ay busy sa kakaayos sa baba dahil magpo-pool party daw sila mamayang gabi, hindi muna kami gumala dahil magrerelax daw muna kami..tsk! Panigurado pasikatan lang sila sa kanya-kanyang bikini...isa pa itong dalawa kong kaibigan...
Di'ko alam na may dala pala silang two piece at dinadamay pa ako sa kalokohan nila
(TIME SKIPPED/ 7:12 pm)
"Wow ha, di naman halata na excited kayo mamaya" sarcastic kong saad sa kanila..
"Wag ka ngang kj dyan besh..sumama kana kase mamaya, paniguradong masaya yun.." todo ngiting sabi ni Cheska
"Absolutely!! And ayaw mo bang makita si Calvin doon? Malamang maghuhubad iyon ng t-shirt...andoon rin si Drake at si Mr.tour guide..sila ang magdadala ng init mamayang gabi hahaha" kulang nalang eh kuminang ang mga mata nila....
Binatuhan ko nga sila ng unan....ang mamanyak...
*sighed*
"Why? Diba totoo naman? Kj mo talaga hahaha" iwas nya sa unang binabato ko sa kanya
Hindi naman kase ako mahilig sa mga ganyang klaseng party...at isa pa di ko keri ang pinapasuot nila Cheska sa'kin...masyadong daring eh hindi ako sanay sa pinapasuot nila
Nahihiya nga ako nung pinasuot nila sa akin yung maiksing damit nung school festival namin..what more nalang itong two piece??
"Teka!! Where are you going?" tanong nilang dalawa
"Magpapahangin lang" sagot ko saka ako lumabas ng silid na di'ko aakalain na sabay kaming lumabas ni Drake na sa kabilang kwarto lang namin
Pareho kaming nagulat at napatingin pa kami sa isa't-isa...hanggang sa may sumunod na lumabas galing sa kwarto nya..si Athena na inaayos pa yung botones sa suot nyang longsleeves na white
Halatang hindi kanya ang suot nitong polo dahil maluwang ito
"Masyado pa namang maaga babe" pag-angat nya ng tingin agad nya akong nakita saka umarko ang kanang kilay nito, nagkaayos na siguro sila...
Pareho namin nakitang may kahalikan si Drake kanina sa park at hindi sila nagpapansinan nung dumating kami dito at sa palagay ko at sa nakita ko ngayon ay siguro nagkaayusan na sila
"Oh? Why are you staring like that ?" taas kilay nyang tanong
Ewan ko pero ba't may iba akong nararamdaman dito..dito sa may dibdib ko...parang kumirot ??
Di'ko pinahalata at napa rolled eyes nalamang ako
"Tsk" tanging nasabi ko, ang dali namang napatawad ni Athena si Drake, hindi ko aakalain na ganoon sya ka manhid pagdating kay Drake..
Si Drake na walang emosyong nakatitig sa'kin , such a playboy!!tsk...magsama nga sila dyan!!!
"Xena" biglang may tumawag sa'kin kaya napabaling ang atensyon ko sa tumawag...
It's Calvin wearing his innocent smile..
He save me!!
Ngumiti sya sa'kin kaya ginantihan ko rin sya ng ngiti
Napatingin rin sya sa may bandang likuran ko kaya biglang naging seryoso ang mukha nya
"Kanina pa kita hinahanap Xena, dito lang pala kita makikita" bungad nito
"Huh? A-ako?" Habang turo ko yung sarili ko...hinahanap nya ako?. Di nga?
"Yes!! Tara may ipapakita ako sa iyo" sabay hawak nya sa wrist ko
KAMU SEDANG MEMBACA
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampirSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...